Childhood Sweetheart 8

6.9K 156 25
                                    

"Sigurado ka na ba talaga?" Paninigurado niya sa binata.

Nakahiga sila sa kama nito, nagyakapan. May damit pa rin sila, ha! Hindi sila nag-ano, ang bata pa nila. Pero okay naman siguro?---Melchara, ang utak mo baka makusutan ka ng nanay mo, tumigil ka maging pokpok diyan.

"Isang tanong mo pa niyan, Melchara, sinasabi ko sa 'yo." Long warned.

She sighed and just hugged him tighter.

"Bakit?" Mahinang tanong niya.

Long sighed.

"Ayaw kong gumawa kina Ate Leng at Kuya Bing. Kung mahal naman ang isa't-isa bakit kailangan panglumayo? We can grow while have each other, hindi naman sagabal ang tingin natin sa isa't-isa, gawin nating inspirasyon ang isa't-isa para maging successful tayo sa hinaharap." Seryosong sagot ng binata.

Tila may paro-paro sa kanyang tiyan. Epekto ata 'yun kung ikaw ang girlfriend ng leader ng paro paro G. Kasi kung alpha kokak 'tong si Long baka sabihin niyang may mga palaka sa tiyan niya. Ang weird naman.

Nagmahal talaga siya sa tamang lalaki. Hinding-hindi siya nagkamali ng pagpili kay Long. He's goal-oriented, responsible and caring. Lahat na nasa binata!

"Mahal na mahal kita, Long." She confessed.

Unti-unting sumilay ang ngiti nito hanggang sa naging malawak 'yun. Long laugh and covered his face. Kahit anong pilit na takpan ang mukha nito ay kitang-kita ang pamumula sa mukha at tenga nito.

Napakurap siya at sinundot ito sa bewang.

"Hoy, kinikilig ka ba?"

Pilit niyang tanggalin ang kamay nito sa mukha nito pero mukhang nahihiya ang binata. Napangisi siya, at sinundot-sundot ang bewang nito.

"Oi, ang leader ng gang, kinikilig." Tukso niya.

Panay naman ang iwas ng binata, nakikiliti ito sa pagsundot niya sa bewang nito.

"Stop it, Char."

Pero hindi siya nakinig at kiniliti pa ito.

"Ay!" Napatili siya ng hulihin ng binata ang kamay niya at bumangon ito, sa isang iglap ay nasa ilalim na siya ng binata habang ang kamay niya ay pinwesto sa kanyang uluhan.

Napalunok siya.

"L-long..."

Long looked down on her lips. Hindi maipagkakaila ang pagnanasa sa mata nito. She unconsciously licked her lips that made his eyes dilated.

Pumikit ang binata, puno ng pagpipigil ang mukha nito saka bumuntong hininga at umalis sa ibabaw niya.

Napakunot ang noo niya at bahagyang pinasahe ang pupulsuhan habang nakatingin sa nakaupong binata na nakatalikod sa kanya. Mukhang matindi ang pagpipigil nito sa sarili.

She sighed and crawled towards him. Hinawakan niya ang balikat nito, napaharap naman ang binata kaya agad niyang pinaglapat ang labi nila.

Long gasped on what she did. Agad na namula ang pisngi niya sa hiya dahil sa kapusukang ginawa. Akmang lalayo na siya rito ng hapitin ng binata ang batok niya at pinailaliman ang halikan nila.

Bahagya siyang napadaing ng marahan niyang binuka ang labi para makapasok ang mapangahas na dila nito. Long groaned and pull her to sat on his lap. Wala sa sariling nagpatianod naman siya at kumandong paharap dito.

They're sucking each other's lips as she pressed her body on him. Napaungol ang binata sa ginawa niya at humiwalay sa halikan nila.

Mapungay ang mga mata niyang nakatingin dito. Hindi niya pinansin kung gaano ka senswal ang posisyon nila.

Her eyes reflected on his, mapungay rin ang mata nito na nakatingin sa kanya.

"Te amo, Melchara Akino..." He muttered.

Her heart raced.

"Taena mo rin, Coal Felwis."

















"HAPPY monthsarry, bibi." Long surprised her on their first monthsarry.

May hawak itong cake at may pa-candles pa! Ano birthday?

Pigil-pigil naman ang kilig niya pero hindi niya mapigilan. Lalo na dahil tinutukso sila ng mga kaklase nila.

"Thank you, bebe." Aniya saka hinipan ang kandila.

"Yieee, baka mamaya si Long naman ang i-blow mo, ha?" Tukso ng baklang kaklasw nila.

Agad na umusok ang pisngi niya sa hiya lalo na't pinaulanan sila ng tukso. Natatawang umiling lang si Long at kinulong siya sa yakap gamit ang isang braso nito at hawak naman nito ang cake sa isang kamay, galing magbalance.

It's their graduation day. Nakapagtapos na rin sila, sobrang tuwa siya pero may bahagi ring nalulungkot. Ibig sabihin lang ay mag-aasikaso na si Long dahil maaga ang pasukan ng Benjamin University.

Long sighed upon noticing her reaction.

"Bebe, alam ko na ang tumatakbo sa utak mo..."

Pinahawakan muna ni Long ang cake sa alipores nito at buong atensyong hinarap siya. Long cupped her face and kiss her forehead.

"Sad lang ako pero okay lang, sabi mo bibisitahin mo ako, 'di ba?" Aniya.

"Or we can just live there." He said.

Nanlaki ang mata niya sa sinabi nito.

"Ano? Magli-live in tayo?" Gulat na bulaslas niya.

Ang babata pa nila! Ka-gagraduate nga lang ng senior high, eh.

Mahinang pinitik ni Long ang kanyang noo.

"Ang lantod ng isip mo, ha. Pero syempre, oo."

"Long!"

Ngumisi sa kanya ang binata at hinapit siya nito sa bewang. Halos maghalikan na nga ang medalyang nakasabit sa leeg nila. Valedictorian si Long habang siya ay Salutatorian kaya madami silang medalya.

"Pwede kang mag-aral sa siyudad, Char. 'Yung malapit na university sa Benjamin University, may libreng university doon at nag-offer ng scholarship. At may binigay sa 'kin si Kuya Bing na condo. Pwede tayong dalawa 'dun." Sabi nito.

Napalunok siya at natuwa sa narinig. It's like hitting two birds with one stone.

Tumango siya at ngumiti rito.

"Salamat, Long. Sasabihin ko kay Mama----"

"Sinabi ko na, agad namang pumayag si Mama, suporta naman siya basta hindi ka raw muna magbuntis." Nakangising saad ng binata.

Niyakap niya ng mahigpit ito. Gusto niyang maiyak. She's so lucky to have him, palagi siyang simasama sa mga desisyon nito. Parang siguradong-sigurado na na siya talaga ang babaeng para dito.

"Hindi ko alam kung paano masusuklian ang lahat ng 'to sa 'yo, Long." Mahinang saad niya.

Naramdaman niya ang pagyakap pabalik ng binata sa kanya. Mas mahigpit iyon kaysa sa yakap niya.

"Mahalin mo lang ako, Melchara. Sapat na sa 'kin 'yun."

Kusang tumulo ang luha sa mata niya. Hinding-hindi talaga siya papayag kung hindi ito nag makakatuluyan niya.












Xtra's R-18 (Short Stories Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon