Chapter 06

588 22 6
                                    

Chapter 06: Tubig with Wings

▰▰▰▰▰▰▰▰▰

/felixir/

Nakahinga ako nang maluwag nang makatapak sa huling staircase pababa ng bus. Pagewang-gewang pa akong naglakad papunta sa pinakamalapit na upuan ng terminal at nang malapit na ay muntikan pa ngang matumba. Dinaig ko pa ang tumungga ng dalawang case ng drinks na may mataas na alcoholic content.

Ipinatong ko ang aking siko sa magkabilaang tuhod saka inalalayan ang ulo ko. Pumikit ako upang ikalma ang paningin kong umiikot. Kung alam ko lang na hindi ako sanay bumyahe sa bus, kinapalan ko na lang sana ang mukha ko na tawagan si Kevin.

Bitbit lamang ang cellphone, wallet na may isang libo lang ang laman at relos ay naglayas ako ng bahay. I wanted to contact Kevin to ask for help but I also thought of the inconvenience I already caused him. So I have no choice but to call Russco, a cousin from my maternal side.

Nakiusap akong tulungang mag-book ng plane ticket ng mga oras na rin na iyon ngunit hindi siya pumayag. He told me to ride on a bus so I could think over my decisions. As stubborn as I am, I bought a bus ticket. Gusto ko na lang umuwi kaagad sa Sariaga, baka magbago pa ang isip ni daddy at ipakaladkad ako pauwi sa bahay.

Ayokong bumalik.

"Kuya, tubig?"

Napadilat ako ng mata nang marinig ko ang nagsalita. Dahan-dahan ko itong nilingon. Nakaharap na sa akin ang isang small sized bottled water ng isang unknown brand.

"Tubig, kuya. Trenta lang isang bote."

Nangunot ang noo ko nang marinig ang presyo. Iniangat ko ang tingin sa naglalako ng tubig. Nakasuot siya ng jersey shorts na kulay dilaw at katerno nito ay kulay green na may manggas. He's short, siguro hanggang balikat ko lang, and skinny. But what made me cringed to the fullest was his hairstyle. Nakatali ang buhok niyang lagpas balikat pero ang kulay, dinaig pa ang disco ball. Violet, pink, blue, red highlights.

Ito na ba ang uso sa mga kabataan ngayon?

"Sige na, kuya. Bili ka na oh." Inilapag niya sa tabi ko ang tubig na hawak saka muling kumuha ng isa mula sa basket na kanyang bitbit. Binuksan niya ito at lumagok.

I gulped. Iba kapag gutom, kahit sa tubig natatakam. Nate-tempt na nga akong bumili kaso bigla kong naalala ang presyo.

"Ginagago mo ba ako?" Pinaningkitan ko siya ng mata. May diamond ba sa tubig na binebenta niya?

Umiling siya saka bahagyang inalog ang bote ng tubig. "Grabe ka, kuya. Binebentahan lang kita. Tubig oh. Nagyeyelo pa ʼyan."

Inis ko itong hinawi bago muling sumagot. "Kinse lang pinakamahal na presyo niyan tapos ibebenta mo sa akin ng doble? Pati ba naman sa mineral water may scammer na rin."

Akala niya yata ay turista ako. Mukha namang pambahay itong nahiram kong pantalon at hoodie kay Russco.

Imbes na sumagot ay ibinalik niya ang tindang inumin sa basket saka walang pasabi na tumabi sa akin. Napaatras ako kaagad at napahigpit ang hawak sa cellphone at wallet.

"Sa totoo lang kuya, tatlong araw na akong hindi kumakain-"

"Shhh," pagpapatahimik ko sa kanya nang biglang mag-ring ang cellphone ko. I scanned my fingerprint then answered Kevin's call. It's either he knew I'm already gone or he wanted to ask me how I am doing.

"Nasaan ka?" malakas na boses na bungad ni Kevin. Naririnig ko pa sa kabilang linya ang boses ni Travis pero hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.

"Sariaga," pag-amin ko. Sinulyapan ko ang aking relo. 8:30 na pala. Hinaplos ko ang aking tiyan. Kagabi pa ako walang kain, kumukulo na ang tiyan ko.

FLS #5: Felixir Gatcheco Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon