Kabanata 4

107K 4.4K 1.8K
                                    


Kabanata 4:



"Where are my phone and wallet?!" histerikal na sigaw ko nang buksan ko ang aking sling bag at hindi ko makita roon ang gamit ko, tanging panyo at perfume na lang ang natira

Napatayo ako sa gulat, kakatapos ko lang din maglinis ng mukha. Hindi pa nga humuhupa ang galit ko sa gurang na 'to, bigla pang nadagdagan. I'm so malas!

I can't lose my phone and wallet.

Nandoon ang mga importanteng ID ko. What if someone uses my identity? What if bad guys force to open my phone? It will cause trouble. I don't want Mamá or Papá to stress about this!

"My things, Gavril!" I informed my very old and ugly bodyguard.

Kalmado siyang tumayo saka tiningnan ang loob ng bag ko.

"Wala nga."

"That's what I am telling you, nawawala 'yong phone at wallet ko! Nandito lang 'yon kanina tapos nilagay ko lang sa likod ko, nawala!" Nagpalinga-linga ako at tumingin sa ilalim ng lamesa, nagbabakasakaling makita kung nahulog. "Hanapin mo!" galit na utos ko sa kanya, nag-iinit na naman ang ulo ko.

Hindi siya sumunod sa akin, nakatayo lang siya roon habang naka-krus sa harap ng dibdib ang kanyang mga braso.

Hindi ba niya naiintindihan ang utos ko?!

"Ikaw na nga nag-uutos, ikaw pa galit," kalmadong sabi niya saka uminom sa kanyang mineral water.

The audacity!

"Anong sabi mo? Baka nakakalimutan mo kung ano kita?"

"Ayon na nga, Miss Ebony. Guwardiya ako, tiga bantay mo. My job description is to guard, not to look for the things you've lost." Tinaliman ko siya ng tingin, kung mabubugan ko siya ng apoy ay baka nagawa ko na.

Bakit ang dami niyang dahilan? Nakuha na ng bad guys ang gamit ko, dapat habulin niya.

"This is about me, okay? Kapag ginamit ng masasamang guy 'yong identity ko, ibig sabihin hindi mo ako na-protektahan no'n!"

Tuluyan siyang tumuwid ng tayo, inilagay niya sa bulsa ng kanyang jeans ang kanyang mga palad. "Pwede ko naman gawin, kung maayos lang sana ang pag-uutos mo, hindi nakasigaw," kalmadong sabi niya, bahagyang tumaas pa ang sulok ng kanyang labi nang makita ang galit na mukha ko.

Akala niya ba biro lang ito?

"I will surely tell Papá this: you will lose your job!" I snapped, tinulak ko siya sa kanyang didbib, bumaba ang tingin niya roon bago nag-angat muli ng tingin sa akin mukha.

Hindi siya natinag.

"Sure, tell your father how irresponsible you are, your highness. He'll find out that you escaped from the house too," nang-uuyam na sabi niya.

Damn you, old man!

Kinagat ko ang aking ibabang labi, pakiramdam ko ay maiiyak na ako sa sobrang inis. I was never treated this way. My yayas and other guards are always polite and look up at me!

Suminghap ako upang kumalma, nagpeke ako ng ngiti. "Sige na, Tito Gabo, hanapin mo ang phone ko at wallet." Labas sa ilong na malumanay na sabi ko.

Mukhang hindi siya natuwa sa sinabi ko.

"What? Magalang na 'yon!" Sinusubok niya talaga ang pasensya ko ha.

"Call me by my name and say please." Natawa ako sa sinabi niya, ano siya sinimuswerte? Ang isang Alora Ebony Lavella, ibaba ang sarili? No way. "I'm waiting, your highness. Say... Please, Gav." His head tilted.

Conrad Series 1: The ServantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon