Kabanata 42

706K 23.7K 9K
                                    

Restored copy/deleted comments/Let's make new memories :)


Kabanata 42


BIGLANG nanikip ang dibdib ko sa kaba. Nasa likuran lang naman kasi ni Kyo si Jumbo.Naninigkit ang mga mata ni Terrence habang nakapamulsa siya. Salubong ang kanyang mga kilay at nag-igting ang kanyang panga.


Nanginig ang aking katawan. Ni hindi ko na nga namalayang binabalanse ko na pala ang aking sarili makapunta lang sa kanya. "K-kanina pa kita hinahanap..." nagpanggap akong masigla.


"Same here," tiim-bagang siya. Ang kanyang mga mata ay nakapako kay Kyo na nasa likuran ko.


Nanatili lang naman si Kyo sa pwesto niya at hindi hinaharap si Jumbo.


(unedited raw copy)


"Ah, eh..." napalunok ako nang tingalain ko siya. "N-nagpa-autograph lang ako kay Kyo. He-he-he!" Sa panty.


Napangiwi ako sa isiping 'yon. Kahit sino naman ang makakita sa amin ay iisiping posibleng may ginagawa kaming milagro.


Napapikit si Jumbo at saka napabuntong-hininga. "Okay." Pagkuwan ay naglakad na siya palampas kay Kyo.


Nakahinga ako nang maluwag at tila nanlambot. Daig ko pa ang nabunutan ng malaking tinik sa lalamunan. Hindi naman pala siya galit.


Nang magkatapat sila ni Kyo ay tinapik niya ito sa balikat. "Kyo," aniya rito bilang pagbati nang hindi ito tinitingnan.


"Leader," tugon naman ni Kyo sa kanya na nakatayo lang matapos pumamulsa.


"Faster, douchegirl!" sigaw ni Jumbo sa akin na patuloy lang sa paglalakad.


Patakbo akong tumalima sa kanya nang hindi na nilingon pa si Kyo. Ngunit ilang hakbang pa lang kami nang magsalita si Montenegro. "You forgot something."


Pakiramdam ko'y nagkulay ube ang mukha ko nang mapahinto ako. Maging si Jumbo ay napahinto rin at nilingon si Kyo.


Shet! Oo nga pala. Nasa kanya pa ang panty ko!


Dahan-dahan ko siyang nilingon kasabay ng pakiramdam na tila maiihi ako. Animong may mga dagang naghahabulan sa loob ng dibdib ko nang mapaharap ako sa kanya. Nangilid ang aking luha dahil pihadong ang makikita ko ay ang aking panty na hawak niya.


"You forgot this," wika niya sa seryosong mukha.


Sa mga asul niyang mata muna ako nakatingin. Unti-unti ko lang ibinaba ang aking mga mata sa hawak niya na nakalahad sa akin. At nang makita ko ito ay daig ko pa ang binuhusan ng malamig na tubig. Kamuntik na akong himatayin dahil maigi na lang at ito palang marker pen ang tinutukoy niya na gustong ibalik sa akin.

Babysitting the BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon