BMDN Chapter 3

117K 3K 290
                                    

Katulad ng nakagawian ko bago ako pumasok sa trabaho ko bilang waitres sa hapon ay dumaan ako sa school ni Kisza. Hindi ko pa bakita ang kotse  na sumusundo sa kanya, sumilip ako sa gate  ng school ay nakita ko sya kausap nanaman ang guard, kinukulit na naman nya siguro.


Nakita kong tinuro ako ni Kisza sa guard, napakamot naman ng ulo ang guard at lumapit sakin.

"Miss  pasensya na hindi ko pwedeng palabasin si Kisza. Ang bilin kasi sakin ng Daddy nya sya lang ang susundo sa anak nya" sabi ng guard.

Napatingin naman ako kay Kisza na nakasimangot. Napangiti ako sa itsura nya, totoo ba na kung sino ang nakalakihan mo sya ang makakamukha mo? Sa itsura nya kasi kamukhang kamukha sya ng Daddy nyang masungit.


"Pwede po ba akong pumasok? Sasamahan ko nalang sya na hintayin ang Daddy nya" tanong ko sa guard.

Matagal bago mag isip ang guard bago nya ako papasukin.

"Hello Kisza" bati ko kay Kisza at umupo sa tabi nya

"Nakakainis si Daddy" nakasimangot na sabi nya.


"Bakit naman?"

"Kasi sabi nya huwag akong sasama sa mga taong hindi ko kilala. Tapos sinabihan pa nya si Manong  Guard na huwag akong papalabasin hangga't hindi sya yung sumusundo" sabi nya. Ang Cute cute nya parin kahit na hindi maipinta ang mukha nya.


"Kasi Ana- Kisza tama ang Daddy mo. Hindi ka dapat sumasama kung kani-kanino  baka mamaya kidnapin ka nila syempre ayaw ng Daddy mo na may mangyaring masama sayo" paliwanag ko sakanya saka hinaplos ang buhok nya.


"E kilala naman kita eh" sabi nya

"Kilala mo lang ang pangalan ko, pero hindi lahat ng tungkol sakin. Alam mo Kisza gusto lang ng Daddy mo na protektahan ka sa masasamang tao. Kasi mahal ka nya"



"Hindi ka naman masamang tao hindi ba Ate Nina?"

Napigilan ko ang paghinga ko sa tanong nya. Hindi pa ba ako masama na ipinamigay ko ang anak ko?

"S-syempre h-hindi" sagot ko saka pilit na ngumiti.



"Alam mo po, lagi kong katabi sa pagtulog si My Melody yung binigay nyo po sakin. Salamat po ulit doon ah"

"Buti naman nagustuhan mo" masayang sabi ko saka hinawakan ang kamay nya.

Sobrang sarap hawakan ng kama nya, ang lambot at ang kinis.

Nag kwentuhan  kami sa mga nangyari sa araw nya ngayon. Tungkol sa mga kaibigan nya sa school.

Napatigil ang kwentuhan namin ng makita namin ang Daddy nya na papasok ng gate.


"Kisza" tawag ng Daddy nya. Tingin ko ay nasa 30 pataas ang edad ng Daddy ni Kisza, maganda ang pangagatawan na halatang alaga sa gym. Napakatangos ng ilong at napakaganda ng labi na kulay pula. May makapal na kilay at itim na itim na mata na kung tumingin ay akala mo pati kaluluwa mo ay nakikita nya .




"Dad, sinamahan ako ni Ate Nina na hintayin ka. Bakit ba kasi ang tagal mong dumating? Hindi ko tuloy naabutan yung pinapanood ko. Buti nalang hindi ako iniwan ni Ate Nina dito" sermon ni Kisza sa Daddy nya.

Umupo ang lalaki para magkapantay sila ni Kisza saka hinalikan sa noo ang bata.

"May biglaan kasing meeting sa opisina" malambing na sabi nya kay Kisza.

"Sabi ko po kasi sayo hanap mo na ako ng Nanny para may susundo na sakin dito, para hindi ka narin napapagod. Para maaga kanang mag papahinga" sabi nya sa Daddy nya.

Become My Daughter's NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon