KABANATA CCIX

4.4K 29 3
                                    

"Ngayong malaki na ang kinikita mo, pwede na tayong bumili ng gusto mong bahay! Balita ko aymay bagong na develop na luxury villa ang Jade's Windon Real Estate. Nakita ko ang commercial sa TV kagabi at talagang nakakamangha ang mga gawa nila!" Ani ni Samantha.

Nagningning ang mga mata ni Lily.

Narinig rin nito na may bagong nadevelop anh Windon Real Estate na ilan sa pinakamagagandang mamahaling villa sa Donghai City na nasa highest rated scene na lugar. Narinig din nito na sobrang mahal ng mga villa dahil doble ang presyo ng mga ito kumpara sa ibang lugar.

Hindi naman siya nagigipit ngayon kaya naman kayang kaya nito na makabili sa Windon Real Estate.

Tinawagan niya si Jade at nagtanong. "Jade may available pa ba na villa na nasa hill? Gusto ko sanang mag avail ng isa."

"Oo may mga available pa naman, gusto mo bang pumunta para makita? Kaso napaka busy ko ngayon kaya hindi muna kita masasamahan, pwede naman kitang pasamahan sa isa sa mga staff!" Natatawang sabi ni Jade.

Ilang sandali pang nag usap ang mga best friend bago tuluyang namaalam.

Kinabukasan ay pinuntahan na nila Lily at Samantha anh mga villa. Ang Winson Villa ang may pinakamagagandang villa sa buong Donghai City, napapalibutan ito ng naggagandahang private pools at mayroon pang golf course. Kahit sinong nasa upper class society ng Donghai City ay gugustuhing tumira rito.

Maraming tao ang pumupunta roon upang makita ang mga villa.

Tanghali na ng nakarating sina Lily at Samantha.

Isa sa mga staff ang nag tour sa kanila. Biglang may dumating na taxi na nagkuha ng atensyon ng lahat. Madalas ay mga sakay ng mamahaling sasakyan ang mga pumupunta doon at hindi ng mumurahing taxi.

Mabilis itong huminto at bumaba ang middle aged na mag asawa. Ito pala ay mga magulang ni Darryl!

Isang linggo na ang nakalipas nang ipareserve ni Darryl ang pinakamagandang villa para sa mga magulang nito, dahil lilipat sila doon sa oras na makalabas ng prisinto ang ama.

"Ohh diba iyan ang magulang ng walang kwentang magnanakaw?" Mapang asar na nakangiti si Samantha nang lapitan nito ang mag asawa. Gulat itong nakita ang mga ito, paano naman nila maaafford bumili ng villa rito?

"Ma, tama na..." Sinubukang pigilan ni Lily si Samantha ngunit parang wala itong narinig.

Napangiwi si Daniel nang makita ang mother daughter duo na papalapit. Maganda sana anh mood nito dahil makikita na nila ang future house nila - pero biglang nag iba ang ihip ng hangin nang marinig ang boses ni Samantha.

"Isang pagkakataon ang makita kayo rito." Nagpigil ng tawa si Samantha. "Nandito rin ba kayo para bumili ng bahay?"

Malamig na sumagot si Daniel. "Oo."

"Wow, alam mo ba kung magkano ang bahay dito? Baka kahit magpakagutom kayo habang buhay ay hindi niyo parin kayang bumili rito." Sarkastikong sabi ni Samantha.

Napaface palm ito at nagkunwaring nasurpresa. "Muntikan ko nang makalimutan! Nagnanakaw nga pala anh anak ninyo para mabuhay, siguro ay kung magnanakaw ito ng dalawang phones araw araw sa loob ng sampung taon ay makakabili kayo ng villa rito!"

"Ikaw!" Punong puno ng galit si Daniel. Namula ang mukha nito at nagsalita. "Sino ka para pagsalitaan ang anak ko? Hindi siya masamang tao!"

Inosente si Darryl, siguradong may rason nang mahuli itong nagnanakaw ng cellphone! Naniniwala ang mag asawa na pinalaki nila ng tama ang anak. Hindi magagawa ni Darryl ang ganoong bagay!

Malamig na tumawa si Samantha. "Nasa prisinto na ang anak niyo pero hindi niyo parin matanggap ang katotohanan?"

"Ma, tama na. Byenan ko pa din sila..." Mahinahong pagmamakaawa ni Lily.

"Huwag mo akong pigilan! Nakakulong si Darryl sa prisinto! Alam mo ba ang dalang kahihiyan ng ginawa niya? Bakit ba umaasa ka pa rin sa kaniya? Gusto kong kumuha kayo ng marriage certificate pagkalabas niya! Hindi ko na patutuluyin iyon sa bahay ng libre." Galit na dagdag ni Samantha.

Labis ang galit ni Daniel sa narinig. Paanong naging hindi reasonable ang magandang katulad ni Samantha?

Pero hindi na lamang ito pinansin ni Daniel at kinausap si Luna. "Tara na? Tingnan na natin ang bahay?"

Tumango si Luna at nagsimula nang maglakad ang mag asawa patungo sa unang villa. Pinareserba ni Darryl ang unang villa na nasa first row dahil ito ang may pinakamagandang view ng bay. Convinient din dito dahil mas madaling makapunta sa iba't ibang lugar, ang fung shui ang may pinakamataas na grade.

Mapang asar na nagsalita si Samantha. "Nakakatawa ang mga magulang ni Darryl, galing sila sa probinsya at hindi nila mabibili kahit ang pinakamurang villa rito pero pipiliin nila ang villa na may best view?"

Bigla itong nagulat nang maglabas ng susi si Daniel upang buksan ang pinto at tuluyang pumasok.

Bakit naman siya magkakasusi? Unless binili na nga nila ang villa?

Nang magkawisyo ito ay agad na nagtanong sa staff. "Anong nangyayari? Bakit binigay niyo ang susi para maview?"

Ang Asawa Kong Tinitingala ng Lahat [Book2] (By skykissing wolf)Where stories live. Discover now