Chapter 37

11.9K 792 276
                                    

Kanina pa natapos ang birthday party at nandito ako ngayon sa kwarto ni North ─ kasama sina Jade at si South.

Hindi ko malaman kung saling-pusa ako o ano.

Ang weird makitang naka-pajama si Jade dahil hindi naman niya hilig ang ganoong pantulog, sabi niya nightdress ang trip niya. Pero wala naman talaga akong say basta comfortable siya.

Itong dalawang magkapatid naman ay parehas lang naka-loose shirt and short shorts like me. Todo-iwas pa akong dumapo ang tingin sa legs ni North kasi ang ano ko naman. May kasama kami edi halatado ako masyado.

Nasa kama kaming tatlo habang si South ay napagdiskitahang maupo sa sahig habang yakap-yakap ang mga tuhod. Nakatingin lang ito sa malayo na parang wala siyang kasama.

While Jade ─ who just announced na girlfriend na raw niya si South ─ ay panay ang paglingkis sa girlfriend ko.

Hindi naman na ako nagseselos, pero, bakit siya ang nakadikit? Ako dapat, eh. I leaned comfortably sa headboard ng kama at nakayapos lang sa unan. Sina Jade naman ay katabi ko, para silang bata.

"Last na 'tong magiging ganito ako ka-clingy sa'yo, North baby," Panlalambing ni Jade na ikinatawa ko kasi nakanguso ito tapos nagpapanggap pang umiiyak. "Ayaw kong magselos si South..."

Napalingon tuloy sa kanya ang bagong kasintahan at parang may irita sa mata nito. "Masyado kang assuming, Ma'am."

"Girlfriend mo na ako, anong Ma'am?"

Her blue eyes bore into Jade's. "Maingay ka."

"Kita mo, North baby? Nagseselos na yung kapatid mo sa atin."

"Eh, kung umaalis ka kaya sa tabi ko?"

"I'll miss you ─"

"Gusto ko yata magbawas ng kaibigan ─"

"Biro lang naman." Jade laughed it off. Ang hyper niya kung kailan late na masyado. Tinaas ko ang dalawang kilay nang titigan niya ako. "Sure ka dito ka sa kwarto ni North? Awayin ka nito, nangangagat ito tsaka nanghahagis ng kutsara pati picture frame. Gusto mo tabi na lang tayo ─ aray ko!"

Napangiwi si Jade dahil kinurot siya sa tagiliran ni North. Naiiling ito sa kaibigan namin. "She's not like you. Of course I won't do those things."

Eh, nangangagat naman talaga siya. Ilang beses na nga. Hindi ko maiwasan hindi maalala yung mga inabot kong pang-aasar kina Jean at Yuka dahil sa mark ko sa balikat. Hindi ko naman din alam na ganoon kadiin yung kagat ni North to the point na bumakat iyon at halos mag-bruise.

"So, special nga ako. Huwag kang ganyan, baby."

"Jade, isa."

"Sorry na."

"South, sure ka ba no'ng tinanong mo ito maging girlfriend mo?"

Tumingin ang kapatid sa kanila. Ilang segundo niya rin tinitigan si Jade. "I wonder."

"Oy."

"She's kinda an idiot but I hold her dear close, Ate North."

"Ay, nagb-blush!" Natatawang puna ko kay Jade nang mapansin na natahimik ito. Kahit kasi ako parang kinilig para sa kanya. Jusko. Akala ko kasi walang ka-warm-warm sa personality ni South pagdating sa ibang tao. Kaya naman pala niya maging malambing ng kaunti.

Kaso hindi ko talaga ma-imagine kung paano niya inaya itong si Jade maging girlfriend niya. Parang ang weird. Lalo na't mas nakatatanda iyong kaibigan ko. Mas mukha pa siyang teenager umakto.

Bumangon si Jade at nilapitan si South. Hinila niya ito patayo at walang imik na sumunod naman ang isa.

"Inaantok ka na ba, Bata?"

Unrequited [HSS #4, Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon