CHAPTER 7

288 32 0
                                    

NATHAN'S P.O.V

Isang beses ay inimbitahan ko s'ya sa bahay.

"Sir Nate? May bisita 'ho kayo," sabi ng isa naming maid.

"S-sino raw po?"

"Harley daw po ang pangalan, nandyan na po s'ya sa may pinto.'

"Papasukin n'yo na po."

Inaayos ko ang buhok ko nung mga oras na iyon habang nakaharap sa malaking salamin nang makita ko ang repleksyon n'ya rito.

Namangha ako sa'king nakita at natigilan. Humarap ako sa kanya nang nakangiti.

"Wow!" Pagtitig ko mula ulo hanggang paa. "Nag-ayos ka talaga, ah."

"Oo naman."

Nakita kong pababa si papa sa hagdanan, nanlaki ang mga mata ko dahil baka makita n'yang nagpapasok ako ng bisita nang hindi nagpapa alam sa kan'ya.

"Halika, bilis," bulong ko habang sumisenyas kay Harl na magtago.

"Huh? Ano?" Napakunot ang noo n'ya.

"Bilis! Bilis!"

At nang makita kami ni papa. Nagkunwari kaming walang nangyari habang hindi mapakali ang aking mga mata at tumatagaktak ang pawis ko sa kaba.

"Nate?" Tawag ni papa.

"Ay pa... si Harl po pala.” Pilit akong ngumiti.

"Oh! Siya 'yung babaeng muntik na nating masagasaan 'di ba?" Bungad niya.

"Yikes!"

"By the way, is she your girlfriend now?" Birong tanong ni papa.

Nagulat si Harl at umiwas nang konti sa'kin.

"Ah... kaibigan ko... kaibigan palang,"
Ani ko at tumingin kay Harl na noo'y tila ba'y nandidiri sa sinabi ko.

"H-hi po, tito." Bati niya kay papa. 

"Correction! It should be papa," biro nito.

Lumunok ako. "Pa naman..."

"Mag-ama nga kayo," pasimpleng bulong ni Harl.

"Paupuin mo siya, Nate."

"Have a seat Harl, maupo na muna tayo."

Umupo kami sa may sala habang nakikita ko s'yang inoobserbahan ang paligid ng mansyon.

"Ay pakilapag na lang po sa mesa, manang."

Inilapag ng kasambahay namin 'yong pagkain na dala-dala niya sa mesa. 

"Grabe! Ang laki ng mansyon n'yo," paghanga ni Harl. "Saka 'yung malaking eroplano sa may kisame, ikaw ba gumawa no'n?"

"Si papa ang gumawa n'yan," sagot ko habang nakatingin sa display na eroplano.

"Naaalala ko pa noong ginagawa palang ito, napapadaan ako rito at iniisip na baka isang malaking mall 'yung ginagawa," sabi n'ya sabay tawa. "Sana magkaroon rin ako ng ganitong bahay."

Humalakhak ako. "Do you think may magtatayo ng mall sa ganitong lugar?"

Inirapan niya ako.

"Pero 'wag kang mag-alala, dito ka na titira, soon," biro ko.

"Ay, hindi na lang pala," sabi n'ya at natawa ako.

"Alam mo, ayos lang kahit maliit ang bahay basta masaya ka at magkakasama kayong buong pamilya," ani ko.

"But I don't want to settle for that. Kapag nangarap ka, maraming possibilities na magkatotoo ito kung kikilos ka," aniya.

"Well... you have a point."

When Our Heavens CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon