CHAPTER 8

258 34 1
                                    

NATHAN'S P.O.V

Sa tuwing magkasama kami ay lagi kong kinukamusta ang araw n'ya, kung okay ba s'ya o hindi. Madalas ay okay naman. Pero ako lang talaga ang sumisira. Iniinis ko s'ya hanggang sa mapikon, pero napakahirap suyuin. Umaabot sa puntong binibilhan ko pa s'ya ng paborito n'yang pagkain para kumalma s'ya. Halos pwede na siguro akong magluto ng adobo dahil sa lakas ng toyo n'ya.

I replaced her dark stormy skies and destructive ocean waves into clear skies and calmly seas.

We do road trips, madalas sa madaling araw at kung saan-saan lang kami nagpupunta. We also do hiking, doon namin nasukat kung gaano katatag ang isa't-isa.

She's always there and walking with me throughout my journey, kaya kapag s'ya naman ang may problema, kahit na hindi ko na s'ya  maintindihan minsan, ay nasa tabi n'ya lang ako at hindi umaalis. Oo lang ako nang oo sa mga kwento n'ya, alam kong nag-be-vent out lang s'ya.

Isang beses, habang nakahiga kami at magkahawak ang kamay sa buhanginan sa may baybayin, may napag-usapan kami. 

"Paano kung bumalik si Oliver?" Ang mga salitang bigla ko na lang nabanggit.

"Kinalimutan ko na s'ya magmula noong nakilala kita," n'ya sabay ngiti at tingin sa'kin.

"Eh, paano kung makahanap ka ng iba at iwan mo ko?" Seryosong tanong nito.

"Tsss... alam mo, kung sino pa 'yung madalas na nagsasabi n'yan, sila pa 'yung nang-iiwan," sagot ko naman.

"Ang seryoso mo naman."

Lumipas ang mga araw, linggo, buwan at taon. Aminin na nating kadalasan ay sa una lang masaya ang relasyon, mawawala ang kilig at sweetness, pero hindi dapat mawala ang pagmamahal. Pero I'm so lucky because I found both love and friendship in one person, kaya nagtagal kami.

Ngunit dumating ang araw na kinatatakutan ko, 'yung unang taong minahal n'ya, bumalik na - si Oliver.

Natatandaan ko pa 'yung araw na nasa likod n'ya lang ako nang bumaba si Oliver sa kotse. Tila ba nagulat si Harl sa kan'yang nakita at nagkausap sila.

Pagka-alis ni Oliver ay tinanong ko s'ya.

"Sino s'ya?" Marahan kong tanong.

Tumitig s'ya sa mga mata ko. "Si Oliver," an'ya.

Napalunok ako.

Pagpasok namin sa loob ng bahay ay umupo ako sa sofa. Nakita niya na nakabusangot ang aking mukha.

"Bakit? Nagseselos ka?" Agad-agad na tanong n'ya.

"Bakit naman ako magseselos?" Sagot ko. "I know I'm a better man."

Magmula noong bumalik si Oliver ay halos araw-araw na rin kaming nag-aaway at hindi magkaintindihan, halos paulit-ulit na rin ang aming mga pinag-aawayan.

"This room is getting smaller and smaller to me," sabi ko habang nakahiga sa kama katabi s'ya. "Hindi na ba natin aayusin 'to?"

Ngunit tahimik lang s'ya habang nakatitig sa kisame. Nagbuntong-hininga ako.

"Nalilito ka na ba kasi hindi mo na alam kung sino ang pipiliin mo sa'ming dalawa?" Dagdag ko pa.

"Please shut up, Nate."

"I'm just scared na baka mawala ka sa'kin," sambit ko. "You're my homeland, Harl."

"Not anymore... nakakasawa na ang laging ganito," sabi n'ya. "You let the door open so I can enter and exit anytime."

Biglang tumulo ang luha ko mula sa'king mga mata.

Tumayo s'ya at akmang lalabas ng pinto.

"Please, Harl. Let me sleep with you one more night, even I knew you already left me," at humagulgol na ako.

When Our Heavens CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon