48. Palasio Rangya

116 14 1
                                    


Farrah

Pinunasan ko ang pulang kulay na nasa leeg at pisnge ni Liam. Nakalimutan ko na nag-lagay pala ako ng pang-kulay sa labi.

"Tanggalin mo nga iyan mamaya upang hindi sagabal." Anito.

Napatawa ako, "isa pang halik." Nguso ko at umiwas-iwas naman s'ya.

"Mahal ko, tigilan mo iyan." Saway n'ya na ikinatawa ko. Posisyon namin? Nakapatong pa rin ako sa kanya.

"Kamahalan? Narito na tayo."

"Bigyan mo kami ng ilang minuto, bantayan ang pinto." Utos sa kawal.

Dahan-dahan akong bumaba at inalalayan nya naman ang bewang ko, "baka maapakan mo ang iyong bestida, dahan-dahan."

Marahan akong napatawa, "yes, I know."

Nang maayos na namin ang aming mga sarili ay sabay kaming lumabas ni Liam suot ang aming maskara, "bakit kailangan pa nating suotin ang maskara?" Tanong ko.

"Upang hindi nila makita ang ating anyo. Alam at kilala naman nila kung sino ang nagmamay-ari o may suot ng iba't ibang maskara kaya kilala na nila kung sino dapat ang mga sisilbihan." Paliwanag nito.

Wala pa rin akong maintindihan. Paano ba naman kasi, ni-hindi n'ya sinabi kung anong lugar ang aming papasukin.

"Maligayang pag-dating sa Palasio Rangya." Anito at hinapit ang aking bewang papasok sa gate ng isang mansion.

Sa labas pa lamang ng mansion ay may mga tao nang nagsasaya at umiinom ng alak.

'Wow, this is new...'

"Dito ako pumupunta kapag nahihirapan akong mag-isip nang maayos." Anito sabay buntong hininga.

"Nahihirapan rin pala makapag-isip ang prinsipe ng silangan." Aking kapilyahan.

Napatawa naman s'ya bago kami pumasok sa mansion. Marami ring mga tao, dim lang ang ilaw sa mansion, kalmado lamang ang musika, ngunit ang mga tao'y...

"Nakakapag-isip ka nang maayos sa pamamagitan ng pag-tambay sa lugar na puro inuman at sugalan?" Pagtataka ko at tumango s'ya.

"Huwag kang mag-alala, mahal ko." Hinaplos n'ya ang aking buhok.

"Maligayang pag-babalik sa aking palasio, pinakamamahal kong prinsipe." May lumapit na lalaki at humalik sa pisnge ni Liam.

"Magandang gabi, Doña Cintia... narito nga pala ang Prinsesa Farrah, ang napakagandang asawa ko." Pakilala ni Liam sa'kin. Yumuko ako sa tapat ng lalaki at agad n'ya naman akong pinigilan, "m-mahal na Prinsesa Farrah, patawad kung magulo ang aking kapaligiran." Yumuko s'ya, umayos ang tindig, gayundin ang pagkalalaki ng kanyang boses.

"Walang problema, kasiyahan ang ipinunta namin dito at hindi naghahangad ng kaguluhan." Malambing ang aking tono. I can't sense danger from this person but I can say na he's really.... girly.

Lilingunin ko lang dapat ang Prinsipe Liam nang mahagip ng mata ko si Sebastian. Ang duke ng Asther na si Sebastian, may kahalikan s'yang kung sinong lalaki at nakikita kong nae-enjoy n'ya naman ang kanilang ginagawa.

"Ang duke ng Asther... bakit s'ya naririto?" Tanong ko sa dalawang kasama ko.

"M-Mahal na prinsesa, ano, m-magpapaliwanag ako..." Tila'y takot na takot ang Doña Cintia.

"Doña Cintia, ang mga bagay na ito ay hindi na kailangan ng paliwanag." Sabi ko at lumapit kila Sebastian. Dumilat ang kanyang mga mata at tinulak ang lalaking kanyang kahalikan.

"M-Mahal na prinsesa..."

'Nakilala n'ya agad ako? Kahit may suot akong maskara?'

"Mahal kong prinsipe, maiwan n'yo muna kami." Bulong ko kay Liam.

Center Empire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon