Chapter Six

1.1K 27 0
                                    

Kinabukasan, nanatili akong tahimik sa harap ng pamilya ko. Ayos lang naman sa kanila. Ganoon din naman yata ang balak nila; ang hindi ako pansinin o kausapin.

Pumasok ako na parang normal lang. I don't want to look like I'm someone weak.

Sarili ko lang ang meron ako sa nakakapagod na mundo. Kailangan kong maging matatag.

Like the usual days, I saw Kyler waiting for me. Hindi ko man lang makuhang ngumiti dahil kahit sa kaniya'y duda ako. Ang hirap na kasing magtiwala. Nakakatanga.

"Can you please smile even a little?" he asked with concern in his voice. "I don't want to see you sad."

"I see no reason to smile, Kyler. Please, not today." I sighed. "I'm really not in the mood. Also, don't ask why. I can get through this."

He just nodded. Hindi na nagtanong pa. Hinatid niya ako hanggang sa room. Pagpasok ko, naroon na sina Jade, Krizza, at Rica saka ko tiningnan ang bakanteng upuan sa gilid nila. Iniwas ko ang tingin ko roon saka napatingin kay Khaos sa likuran at ang katabi niyang upuan na bakante rin.

Dumiretso ako roon saka umupo sa tabi niya. Nagtataka siyang tumingin sa akin pero nagkibit lang ako ng balikat.

P'wede naman kahit saan umupo at mas pipiliin ko kung saan ako komportable. Alangan naman ipagsisiksikan ko pa ang sarili ko sa tabi nila. Hindi naman ako tanga.

Nakita ko ang pag-irap nila sa akin pero hindi ko na 'yon pinansin. Wala naman akong mapapala kung papatulan ko pa sila nang papatulan. Sapat na ang mga sinabi ko sa kanila. Hindi ko na kailangang makipag-away pa dahil hindi naman ako ganoon kababa.

"That's not your seat," Khaos uttered.

I looked at him directly and nodded. "I know."

"Eh, bakit ka umupo riyan?"

"Bawal ba?" tanong ko.

"No," he said hesitantly and looked in my friend's direction. He seems confused. "What happened?" he asked.

Napatingin ulit ako sa gawi ng mga dating kaibigan. They're close to each other and whispering. Alam ko nang pinag-uusap nila ako sa mga oras na 'to.

"Simple. I just cut toxic people out of my life," I answered. "A reason to be proud, isn't it?" A fake smile rose on my lips.

He chuckled a bit. "Good for you, Ahyma . . ." he trailed off. "Know who are the good and the real ones."

"But some people can be good but not real," I said.

"That's right . . . and they are called the fake ones."

Conversation with Khaos always makes sense. He's a deep person. I am always curious with the words he will utter next.

I continued with my not-so-normal life. Para bang ako 'yong bida sa mga teleserye o hindi naman kaya ay sa mga nobela na palaging inaapi. Pinagtutulungan, walang kaibigan, walang kakampi. Nag-iisa. Walang karamay.

"I didn't know na close pala sina Kyler at Lyka, 'no?" Dinig kong tanong ni Rica kina Krizza at Jade makalipas ang isang linggo.

Ramdam ko rin ang pagtingin nila sa gawi ko but I didn't act affected. Pinagpatuloy ko ang pagsusulat ko na hindi ko napapansing napapadiin na pala hanggang sa hinawakan na ni Khaos ang kamay ko upang pigilan ako.

Napatingin ako sa kaniya saka dahan-dahang binawi ang kamay ko at ngumiti na lang nang tipid para makubli no'n kahit papaano ang inis na nararamdaman ko.

Obviously, sinasadya nila 'yong iparinig sa akin. Isang linggo na simula nang lumayo ako sa kanila at walang araw na hindi sila nagparinig sa akin. Wala naman akong pakialam. Hindi na ako apektado. Ang hindi ko lang matiis ay ang kung ano-ano na ang sinasabi nila na wala namang katotohanan. Kinakalat nila 'yon sa mga kaklase namin or worst, sa buong eskwelahan pa.

Flee from Sorrows (Affliction Series#5)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon