CHAPTER 6

6.7K 483 91
                                    

-------------------------------------
---------------------------
Chapter 6

Their Friends
---------------------------
--------------------------------------


MATAPOS ang nonsense na pinagsasabi ng Callen na iyon ay pinagpasalamat ko na dumating ang matandang ginabayan kami kanina, na nagpresinta muli na gabayan kami papunta sa magiging pwesto namin dito sa hardin. Narito kami ngayon na nakaupo sa mga damo na sinapinan ng tela, ibinaba nina Midnight at Twilight ang mga gamit na dala-dala nila.

Bale ang theme pala ng 'Tea Party' na ito ay, Picnic. Pero dahil may iilang table dito sa hardin ay para iyon sa ibang mga maaarteng kaibigan na bisita ni Callen na siya pala ang Host ng party na ito.

"Nakakarelax naman dito." ani Midnight saka lumanghap ng hangin habang nagtitimpla ng gatas ko.

Hindi ko akalaing dadalhin pa ni Midnight ang iba ko pang gamit, ni hindi nga ako na informed na pati chupon, bottle milk at milk powder ko ay dinala rin niya. Saka ko lamang napagtanto na, oo nga pala ay batang sanggol parin pala ako. Pero bakit kailangan pa niya dalhin ang pacifier kung na sa isang taong gulang na ako at hindi na basta baby? May saltik pa rin pala ang gunggong na ito.

"Nandiyan pa ba yung ibang gamit ni Eri---i mean Winter?" biglang napalunok ng mariin si Twilight sa huling sinabi niya.

Ilang beses akong napakurap sa pagtingin sakaniya. Nakababa ang tingin niya at hindi naman niya ako magawang tingnan. Sinubukan ko namang silipin sina Nightfall at Midnight na ngayo'y masasamang tingin ang ibinigay nito sa kapatid na hindi sila magawang tingnan ni Twilight.

Nanlalaki ang mga mata ni Nightfall ngunit may bahid roon ang isang matalim at masamang tingin sa kaniyang kakambal. Si Midnight naman ay nanlilisik ang mga matang deretsong nakatingin kay Twilight.

Ano bang problema ng tatlong bugok na ito?

"Ehem. I brought an extra diaper for Baby Winter." pag-iiba ng usapan ni Twilight saka hinarap ang dalawang kakambal at pilit ngumiti.

Mukhang balak pa sanang magsalita ni Midnight kaso biglang dumating sina Yujin at Ryuzaki kasama ang mga anak nito pati yung abnormal na si Callen.

Patakbong lumapit sa akin ang dalawang bata at kinukulit na naman ako pero hindi ko sila pinapansin. Nauna na kasi kami kanina sa pwesto namin at naiwan sina Yujin at Ryu na hindi sumunod sa amin dahil nakikipagreunion pa sila sa ibang bisita kanina.

"Triplets!" tawag ni Callen na kumakaway pa ito na papalapit sa amin.

Nang tuluyang makalapit na silang lahat ay mas nauna pang tumabi si Callen kay Twilight.

"Twilight, The children are in the other garden, why don't you just let your maid take care of her so that she can play with the other children there?" ani Callen na deretsong nakatingin kay Twilight at binalingan din ako nito at saka nginitian, ngunit ngiwi lamang ang ginawa ko dahil sa kakaibang ngiti sa kaniyang mga labi. Nawiwirduhan parin ako sa lalaking ito.

"We have no maid. I don't want anyone else to take care of our Baby Frosty." nakasimangot ang mukhang wika ni Twilight saka itinaas ang mga braso nitong hinawakan ang pisngi ko saka marahang kinurot.

Hindi ko nagawang magreklamo dahil panay hawak din ng dalawang bata sa pisngi't kamay ko.

Tumango-tango na lamang si Callen at muling nagsalita.

"Your other colleagues are in the other garden kasama ang mga anak nila. They told me to take you there and they wanted to talk to you all." saad pa ni Callen.

The Mafia's Illegitimate Child (Book 2) (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon