Special Valentines Chapter: Minigame Pt. 2

2K 156 288
                                    

Happy Valentines! Since marami din naman kayo na nagrequest ng part two ng minigame at ayokong gumawa ng valentines chapter sa lahat, saka TSG dapat talaga may sc ngayon, pero eto na lang hehe. I guess some of you may not know them but just vibe with them.

-minigame: a valentines special-

THIRD PERSON

"Ano 'to? V-Valentines checkpoint? Bakit may ganito dito? Akala ko ba patayan ng aliens 'to?"

Rinig na rinig sa kinatatayuan nila ang maingay na boses ni Vashtianna. They want to shut her up because the whole point of the minigame was silence, pero parang kaharap nila ang pinaghalong Eura, Feyre, at Serena. Idagdag pa ang nakakatakot na mata nito kaya wala silang nagawa kung hindi ang sumunod na lang.

"Maybe we'll poison them with chocolates." Serena commented, crossing her arms. "This event is such a bore and frankly, unnecessary. And the color used for this decor is hurting my eyes."

"Kung sumasakit eyes mo sa mga pula na nandito, bakit 'di ka pa nabulag everytime tinitingnan mo ang buhok mo?"

Serena shot the female thief a glare. "Bakit? Hugis puso ba 'to?"

"I think this is romantic though." Solace cut in to prevent any more fights. May magandang ngiting nakakurba sa labi niya na siyang nagpatulala sa mga lalaki. "It's not like we're doing something heavy. Just making chocolates. Isa pa, baka maganda din ang loots dito."

Tumango-tango si Finn. "Benefit..." she whispered to herself.

"Loots?" Serena frowned in disgust. "Are you some stupid pirate?"

"Hoy, bruha, sino ang tinatawag mong stupid ha? Ni wala ka nga sa kalingking na kagandahan ni Sol!" sigaw ni Feyre.

"Please," Serena flipped her hair, sitting in one of the chairs and crossing one of her leg over the other. "I may not compare with her beauty, but at least, I am towers above from yours."

"Pigilan niyo 'ko! Sinusubukan ako ng babaeng 'to!" walang pumigil sa kaniya. "Pigilan niyo 'ko! Sasabunutan ko 'yan!"

"Sabunutan mo kung gusto mo. Walang pumipigil sa'yo- ay! Chansing ka ha!" biglang sigaw ni Eura nang hawakan ni Feyre ang kamay niya't ilagay sa may bandang harap.

"Pigilan mo 'ko!"

"Tangina, ayaw ko nga!"

"Pigilan mo 'ko sabi, asul!"

"Puta, bitawan mo 'ko! Ba't ka namimilit?!"

"ANG INGAY NIYO, PUNYETA!" sigaw ni Vash sa kanila.

Nagkatinginan naman ang mga kalmadong lalaki sa likod. Kataka-taka na sa sobrang ingay ng mga babaeng 'to ay walang kahit isang monster na lumapit sa kanila.

Meanwhile a few meters away from them, Seraphina was already catching her breath after defeating the fourth alien. Sinulyapan niya si Nathaniel na nagpupunas ng dugo sa labi. Five aliens courted by the other's noise stood dead beneath him. Hindi nila alam kung hanggang kailan nila kayang pigilan ang mga aliens sa pag-atake, lalo na kapag nagpapatuloy sa maingay contest ang iba.

"Mi vida." pagtawag ni Nathaniel sa kaniya. "You should go and talk to them. I can handle the enemies here."

"Eeh. Samahan mo 'ko!"

Rogue Wars OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon