Kabanata 10

21.7K 1.1K 305
                                    

Kabanata 10

Banyo

Isang tango lang ang isinagot ko nang sabihin ni Nero ang buong pangalan niya. Nagtataka man kung bakit Nero at hindi Reon o kaya’y Alexis ang ginagamit niyang pangalan ay hindi ko na muna tinanong.

Mamaya na lang.

“Ang ganda ng pangalan mo...” sabi ko.

Kaunti na lang ay nasa mismong kubo na kami. Pero dahil ang bagal ng paglalakad namin ni Nero ay mukhang matatagalan pa rin bago kami makarating.

“Maganda rin ang sa’yo.”

Nilingon ko siya at nginitian. “Salamat. Pero bakit Nero ang gamit mo dito? Ibig ko sabihin, ba’t hindi Reon?”

Ang madidilim niyang mga mata na nakapako sa daan ay tila mga mata ng isang mabangis na lobo. Masiyado siyang seryoso, tila ba walang kahit na sino ang puwedeng bumangga sa kaniya at sa mga batas niya sa buhay.

Kung magiging nobyo ko itong si Nero, pakiramdam ko ay hindi ako gagawa ng kahit anong ikagagalit niya. Iyong isang suway niya lang sa akin, tatahimik kaagad ako. Kapag nagkamali ako at pinadapa niya ako... siyempre dadapa ako.

Agad-agad.

“Ba’t naman ako dadapa?” bulong ko sa sarili at tumungo sa damuhang dinadaanan namin.

“Dadapa?”

Mabilis akong napalingon kay Nero matapos niya itanong ‘yon. Sunod-sunod ang naging pag iling ko lalo pa nang makitang salubong ang makakapal niyang kilay.

“H-Hindi! Sabi ko baka madapa ako kung hindi ako titingin sa dinadaanan ko.”

Hindi siya kunbinsido sa dahilan ako. Ako man ay gustong ngumiwi sa mga salitang lumabas sa bibig ko.

“You okay?” tanong niya.

Natawa ako. “Oo naman.”

Nag iwas na ako ng tingin dahil pakiramdam ko ay kahiya hiya na ako sa paningin niya. Marami na ako nagawang kahihiyan sa kaniya simula nang magkakilala kami. Kota na ako.

“Nariyan na pala kayo! Sakto at luto na ang mga barbecue!” si Mang Kulas nang makarating kami.

Ngumiti ako. “Magandang gabi po sa lahat.”

Nag ngitian ang lahat sa akin. Naramdaman ko ang presensya ni Nero sa aking likod. Alam ko dahil naaamoy ko ang pabango niyang hinahanap hanap na ata ng ilong ko.

Iginala ko ang mga mata sa buong kubo. Natanaw ko si Minerva at ang mga alipores niya na nasa sulok. Masama ang titig nito sa akin.

Unat na unat ang noo nito mula sa pagkakapuyod. Kulay violet ang eyeshadow niya ngayon hindi katulad kanina na kulay berde. Light pink naman ang lipstick niya at kulay orange ang blush on.

Bumuntonghininga ako sa ayos niya. Pakiramdam ko ay sumasakit na ang mga mata ko sa maraming kulay na nakikita sa mukha niya.

“O, bakit ganiyan ka makatingin sa akin? Alam kong maganda ako, Isha!” bulyaw niya sa akin.

Ngumiti ako lalo pa nang marinig ang tawanan sa paligid.

“Oo. Tama ka naman. Maganda ka nga.”

Hindi ko ugali ang manglait sa pisikal na panglabas ng isang tao. Kaya kahit palagi akong dinadarag nitong si Minerva ay hindi ko siya gagantihan sa pamamagitan ng pamumula.

“Gandang hindi inaakala, Minerva!” pang aasar ni Ruben, ang anak ni Mang Kulas at Aling Conchita.

Mabuti na lang at hindi na sa akin naggaling.

Monasterio Series #6: Trapped in Her Arms Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon