Kabanata 11

20.3K 472 40
                                    

KABANATA 11 :: TRIP


Lupaypay ang katawan ko at halos wala nang lakas para imulat ang mga mata nang muli akong binitawan ni Kleindro sa sink. Nag aagaw ang aking kamalayan habang nililinisan niya ako gamit ang binasang tissue.

Nagtagal pa kami ng ilang saglit doon at nang medyo kaya ko nang maglakad ay inalalayan niya ako palabas. Sa pasilyo pa lamang pabalik sa aming upuan ay todo na ang pamumula ng aking mukha.

Hindi malayo ang comfort room sa mga upuan paano kung...

"Sound proof ang banyo, Vanilla," singit bigla ni Kleindro na biglang bumulong sa gilid ng tenga ko, nagtaasan tuloy ang aking mga balahibo.

"Nahihiya ako..." pabulong ko ding sagot.

Tumawa siya ng mahina at pinisil ang nangangamatis kong pisngi.

Sinamaan ko siya ng tingin.

Anong nakaka amuse at para bang tuwang-tuwa pa siya?

"Dito na lang tayo sa sofa hanggang mag land.." aniya at inalalayan ako patungo doon.

Wala na akong nagawa nang isara nya ang kurtinang naghahati sa kinalalagyan namin at sa mga upuan.

Mas mabuti nang dito kasama siya kesa kainin ako ng kahihiyan doon.

"Halika dito..."

Sinunod ko siya at tahimik na naupo sa kanyang tabi.

Hindi siya nakontento sa layo namin sa isa't-isa, sinikop pa niya ang aking bewang at iniupo ako sa kanyang kandungan.

"Klein-"

"Shh..." putol niya sa pagrereklamo ko.

Nanahimik na lamang ako at hinayaan ang ulo kong iginiya niya pasandal sa kanya hanggang sa hilahin ako ng antok.

"Nandito na tayo..."

Marahang pagtapik ni Kleindro ang gumising sa akin. Ibinuka ko ang mata at agad ding napabalik sa pagkakapikit nang tumama sa mata ang masakit na liwanag mula sa ilaw.

"Buhatin na lang kita?" bulong niya na nagpatindig sa mga balahibo ko.

Agad akong umiling at pilit na nagmulat ng mata.

"Hindi na kailangan, Klein."

Mula sa pagkakayap niya ay kumalas ako at nag-stretch ng katawan. Kung hindi pa nahulog ang isang manipis na blanket ay hindi ko mapapansin na nakapatong iyon sa aking binti.

"Pinakuha ko kanina, para komportable ang pagtulog mo."

Umusal ako ng pasasalamat bago kinapa ang aking mukha. Baka may tulo pa ako nang laway o kung ano man, nakakahiya.

So far, parang wala naman.

"Ano, tara na?" tanong niya nang makatayo.

Nakaya nya akong kandungin habang natutulog ako sa byahe?

Umayos ako ng pagkakatayo dahil nakamasid siya sa akin.

Habang naglalakad kami pababa ay ipinulupot niya ang braso sa aking bewang, tila mawawala ako at saka inalalayan pababa.

May isang bodyguard na agad sumalubong sa amin bitbit ang payong dahil medyo masakit na sa balat ang sikat ng pantanghaling araw. Mahaba din pala ang binyahe namin.

Kinuha ni Klein ang payong at siya na ang humawak noon para sa aming dalawa. Ang bodyguard naman ay agad lumayo at hinayaan kaming dumiretso sa isang magarbong sasakyan.Sa kinang noon ay maaari na akong manalamin, seriously? Gaano ba kayaman ang lalaking ito?

Six Months Agreement with Mr. Arrogant (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon