Kabanata 13

19.5K 396 29
                                    

KABANATA 13 :: RAIN

"Ayos ka lang?" tanong niya habanag nakaalalay sa akin palabas ng restaurant.

Habang hindi maalis ang ngisi niya ay nakayuko naman ako at panay ang iwas ng tingin sa mga tao dahil pakiramdam ko ay alam nila ang milagrong ginawa namin.

Imbis na sumagot ay nagpatuloy lamang ako sa paglalakad habang kagat ang labi kong magdurugo na yata.

Sinikap kong magsawalang kibo hanggang sa makarating kami sa kuwarto.

Ngayon lamang ako tinamaan nang kahihiyan dahil hindi ko alam kung paano nangyaring bumigay ako sa ilang haplos lamang niya. Nagawa namin 'iyon' sa comfort room ng restaurant nakakahiya!

"Ang tahimik mo, hindi ako sanay na ganyan ka." aniya habang nagtatanggal ng relos.

Sa gilid ng aking mata ay nakita kong ipinatong niya iyon sa bedside table pero inilingan ko na lamang siya at nginisian.

Nagpaalam akong magha-half bath lamang muna bago kami tumulak sa road trip na gusto niya.

Panay ang talak niya sa suot kong shorts at sleeveless top habang nasa kotse kami.

Nakaconvoy pa rin ang mga bodyguard pero may distansya sa amin. Ganoon naman sila palagi, nakaaligid lamang at nagpapakita kapag naglalakad kami.

"Ang init-init Kleindro, hindi ko susuotin yan!" palatak ko at inihagis sa likod ng sasakyan ang cardigan na pilit niyang ipinapasuot sa akin medyo litaw kase ang clevage ko dahil mababa ang pwesto ng butones.

Mabuti na lamang at hindi lumipad ang kawawang cardigan, convertible pa naman ang sasakyan.

Napilit ko si Kleindro na ibaba ang bubong kaya naman ang buhok kong kanina lamang ay binlower ko pa ng maayos ay malayang sumabog sa ere.

Tinapunan niya ako ng matalim na tingin pero hindi rin iyon nagtagal dahil kailangan niyang mag pokus sa kalsada kung hindi ay maaksidente kami.

Malambing akong humilig sa kanya at sinikop ang aking buhok para hindi iyon tumama sa kanyang mukha.

Gamit ang isang kamay ay hinaplos-haplos ko ang nag-iigting niyang panga.

"Tigilan mo ko, Vanilla. Hindi ako madadala sa paglalambing mo," mariin niyang utas.

Nginisian ko siya at pinatakan ng isang halik sa pisngi bago balewalang bumalik sa aking puwesto.

Napatawa ako nang kumurap-kurap pa siya bago muling nagbaling ng atensyon sa kalsada.

"Bat ka namumula?"

Hindi niya sinagot ang tanong ko kaya inilahad ko ang kamay sa ere para tingnan kung masakit ba sa balat ang sikat ng araw.

Hindi naman. Makulimlim ang panahon.

Itinaas ko ang suot na butterfly sun glasses at dinungaw ang namumulang pisngi niya.

Baka allergy pero hindi nagsasabi?

"Klein, ayos ka lang?"

"Oo."

Nanahimik ako at ibinaling ang mata sa dinaraanan namin.

Ang mangasul-ngasul na dagat ay tanaw sa aking kanan ganon din ang nakakamanghang mga batuhan. Marami sa mga iyon ay malalaki at tila sinadya para maging isang napakagandang tanawin.

May nadaanan kaming open beach kung saan napakaraming tao. Gusto ko sanang subukan doon pero ayoko namang makisiksik pa kaya hinayaan ko na lamang si Kleindro sa destinasyong gusto niya.

Six Months Agreement with Mr. Arrogant (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon