Kabanata 15

18.8K 404 72
                                    

KABANATA 15 :: WHISKEY

Mas bumuti na ang pakiramdam ko matapos ang ilang oras kaya lang mas ginusto ni Kleindro na manatili na lamang kami sa hotel.

Bago mananghalian ay nagbabad kami sa jacuzzi at kung hindi pa ako nagutom baka paulit-ulit pa niya akong angkinin doon.

Hindi ko na mabilang kung ilang beses na naming ginawa 'iyon' dahil bumibigay ako agad sa bawat haplos niya.

"Ngumiti ka dito!" hiyaw ko kay Kleindro.

Sinundan ko pa iyon ng pagtawa para engganyuhin siyang tumawa din pero nanatili sa akin ang malalim niyang tingin.

Binitawan ko ang camera matapos ang ilang shot sa kanya ay kinuhanan ko naman kaming dalawa.

"Akin na ang kamay mo."

Naglahad ako ng kamay at hinintay sa sa kanya.

Nasa pool side kami at dahil ayaw niyang humiwalay sa akin ay magkatabi kami sa sun lounger.

Panay ang ngisi ko sa bitbit polaroid camera habang siya naman ay seryoso sa lahat ng kuha ko.

Ipinatong niya ang malaking kamay sa akin.

Itinaas ko ang magkahawak naming kamay at kinuhanan iyon kasama ang kulay asul na kalangitan.

Nanahimik ako saglit para hintayin ang paglabas ng litrato. Excited ko iyong iginalaw-galaw hanggang sa magkakulay. Si Kleindro naman ay tahimik lamang at panay ang pagpapatangay sa gusto ko- well maliban sa pang ngiti. Mahal yata ang pagngiti niya ngayong araw.

Napatitig ako sa larawan.

"Ano ang nandito?"

Kinuha ko ulit ang kamay niya at inusisa ang nakita kong itim na marka sa gilid ng kanyang pulso. Bakit ba ngayon ko lang ito nakita.

Tinitigan ko iyon nang maiigi at kinabisado ang bawat linya. Maliit lamang ngunit ng maayos na matingnan ay napanganga ako sa detalye noon.

"Pine tree?"

Nakaramdam ako ng excitement dahil paborito ko ang mga iyon.

Bumuntong hininga siya at inilagay na lamang ang kamay sa nakalitaw na balat sa aking tiyan.

"Paalala lang sa isang espesyal na tao at lugar..."

Nawala na parang bula ang excitement na nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay bumagsak sa akin ang mga ulap na nasa taas.

"Astig!" pilit kong pinanatili ang masiglang boses kahit may isang parte ko ang parang nanghina.

Nagpaalam akong lalangoy at hindi pa siya nakakasagot ay binaklas ko na ang kanyang braso sa akin. Mabilis akong nagtatakbo patungo sa malaking pool at tumalon doon.

Malalim pero marunong naman akong lumangoy.

Narinig ko ang pagtawag niya sa pangalan ko pero tinawanan ko lamang iyon at niyaya siya sa tubig.

Matapos ang ilang ulit na pagsisid ay napagod na ako kaya lumapit sa sa gilid at doon muna nanatili. Sa gilid ng aking mata ay kita ko ang paninitig ni Kleindro sa akin.

Mangilan-ngilan lamang ang tao sa pool area. Ako lang at ang dalawang dalagita ang nasa tubig.

Ang suot ko naman ay one piece swimsuit dahil nahihiya akong lumabas nang kita ang mga peklat sa aking tiyan at likod.

"Ikaw na kasi..."

"Ano nakakahiya, gagu!"

"Lapitan mo na. Hindi naman yata boyfriend eh!"

Six Months Agreement with Mr. Arrogant (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon