Kabanata 17

16.2K 368 28
                                    

KABANATA 17 :: MESSAGES

Hiyang-hiya ako sa nakita kaya para akong idinuduyan nang ang marahang paghaplos ni Kleindro sa aking buhok ang una kong naramdaman ng magising.

"Nagising ba kita?" mahina niyang tanong.

Umiling ako at umayos sa pagkakasiksik sa kanya para mas maramdaman ang init mula roon.

Hindi ko alam kung paano pero nakaunan ako sa kanyang braso at ang binti niya ay nakadantay sa akin.

Magkalayo kaming natulog kagabi ah? Nakatalikod pa nga ako.

Napalunok ako ng ilang ulit at mabilis na nagtaas ng tingin sa kanya nang maramdaman ang kung anong matigas sa bandang tiyan ko.

Nag iwas siya ng tingin at biglang sumipol.

"Ganyan ba talaga yan pag umaga?" di ko napigilang tanong.

"Nung wala ka pa, hindi."

Natawa ako ng mahina.

"Baka naman pinapanuod mo yung mga CD kapag umaga kaya-"

"Bakit mo ba kase pinakealaman yun? Dati lang yun! Nung high school!"

"Asus kunwari ka pa. Andami nun, high school lang?"

"Oo. High school lang."

Itinulak ko siya at saka umayos ng pagkakaupo sa kama paharap pa rin sa kanya.

"Oh talaga? Bakit nung college? Madami ka sigurong babae noh?"

Bunangon na din siya at hinarap ako.

"Nakaraan na yun-"

"Nakaraan? Sabihin mo playboy ka lang talaga-"

"Asus ang misis ko aga-aga nagseselos..."

Pinandilatan ko siya ng mata.

"Bakit naman ako magseselos aber?"

Tumawa siya.

"Malay ko sayo-"

"Hoy Kleindro hindi ako nagseselos ah!"

"Kahit kay Nympha?"

"Magsama na kayo ng lahat ng kabet mo!"

Padabog akong nagtungo sa banyo at nilock iyon.

Selos? Mukha ba akong selosa?

Tiningnan ko ng masama ang repleksyon ko sa salamin na para bang iyon si Kleindro.

Hindi ako nagseselos! Asa!

Hindi ko maiwasang mainis. Bakit kase nakita ko pa ang mga CD na yun? Sana tahimik ang buhay ko ngayon.

"Vanilla ayos ka lang dyan?"

Narinig kp ang pagkatok ni Kleindro sa pinto.

Isang irap pang muli sa katawan bago ako lumabas na parang walang nangyari.

"Hindi ka papasok sa opisina?"

"Hindi muna siguro. Uuwi pa tayo sa Maynila."

Nilingon ko ang kinatatayuan niya.

Siguro mukha kaming ewan dito sa loob ng kwarto. Pareho kaming nasa magkabilang sulok.

"Nasaan ba tayo?"

"Tagaytay."

Hindi makapaniwalang nilapitan ko ang bintanang natatabingan ng kurtina sa gawi niya at agad iyong hinawi.

Six Months Agreement with Mr. Arrogant (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon