Kabanata 19

15.1K 338 8
                                    

KABANATA 19 :: TRAUMA

Mabilis ang mga pangyayari. Pinanatili ako ni Jeff sa kanyang likuran, nakatago sa punong kahoy habang siya ay sinisiguro na walang makakalapit sa amin. Gayon din ang ginagawa ni Roy sa di kalayuan.

Nangibabaw sa ere ang tunog ng gulong na biglang ipinreno. Malutong na nagmura si Roy at patakbong lumapit sa gawi namin habang nakikipagbarilan pa din. "Dumarami pa sila! Ilayo mo na si Miss Vanna dito, salubungin ninyo ang sasakyang back up!" hinihingal man ay nagawa pa rin niyang sumigaw.

"Pero m-may dugo ka sa-"

"Halika na Miss."

"Si Roy-"

"Sumama ka na Miss Vanna."

Wala akong nagawa kundi mapaluha at matulala habang kinakaladkad ako ni Jeff papalayo. Halos hindi ko na kase maihakbang ang paa kong nanghihina na.

Siguradong may sugat iyon dahil hindi lamang iisang beses akong muntik na madapa at natalisod sa batonhabang tumatakbo. .

"Patawad Miss."

Nanlaki ang mga mata ko nang buhatin ako ni Jeff sa kanyang balikat na parang isang sako ng bigas at patakbong lumapit sa isang sasakyan.

Hindi pa man tuluyang nakakatigil iyon ay may nagbukas na ng pintuan at may bumaba na tatlong maskuladong lalaki.

"Miss Vanna, Jeff paparating na rin si Mr. Lavaigne dahil daw ang asawa nya sa safe house."

Nagtanguhan sila at nag-usap pa sa lengwaheng hindi ko maintindihan bago ako ibinaba ni Jeff sa kotse. Hindi pa ako nakakaayos sa pagkakaupo pero agad na siyang bumaba sa sasakyan at mabilis na sinara iyon. Gayon din, mabilis na minaniobra ang sasakyan papalayo.

May tatlong itim na kotse ang naka convoy sa amin, pare-pareho ding mabilis ang takbo. Halos hindi ko na maintindihan ang nangyayari.

Naguguluhan ako sa biglaang putukan at parang buhol-buhol pa ang lahat.

Dalawang hindi pamilyar na lalaki ang kasama ko sa kotse, ang isa ay nagmamaneho at ang isa naman ay nilingon ako para abutan ng tubig.

Mula sa pagkatulala sa kawalan ay kumurap-kurap ako at kinuha ang bote sa nanginginig na kamay.

"Pwede po ba tayong bumalik?" pigil hiningang sambit ko.

"Hindi maaari Miss, mapapahamak ka dahil ikaw ang target nila."

Ako? Bakit ako?

"Pero may tama si Roy! Iniligtas nya ako-"

"Tungkulin namin na protektahan ka." mariing putol nang nagmamaneho.

Nagyuko ako ng ulo at piniling manahimik.

Unti-unting kumawala ang hikbi sa aking labi habang tumutulo ang luha ko. Pinagdaop ko ang dalawang palad pagkuwan ay ikinulong doon ang aking mukha.

Natagpuan ko ang sariling tahimik na umiiyak sa likuran hanggang sa isinandal ko ang likuran sa backrest at tuluyan na akong nakatulog. Labis ang pagkirot nang aking braso at bago ko pa iyon matingnan ay muli akong binawian ng malay.

Nagising ako sa sigawan ng mga tao. Nangingibabaw ang boses ni Kleindro. Nauulinagan ko ang mga tunog ngunit hindi ko maimulat ang aking mata. Ramdam na ramadam ko lalo ang panghihina sa tuwing nagtatangka akong dumilat at gumalaw.

"Bumababa ang pulso!"

"Doc humihina ang pintig ng puso!"

"Hindi nagrerespond ang pasyente!"

Six Months Agreement with Mr. Arrogant (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon