Kabanata 22

16.5K 369 3
                                    

KABANATA 22 :: SMILE

Hindi ko ipinahalata ang nararamdaman kong kaba. Sinikap kong sumabay kay Kleindro at nagkunwaring hindi ako kinakabahan kahit ang totoo unang pagtapak ko sa makinis na sahig nang yate ay gusto ko na ulit bumalik sa port.

Nakaalalay pa rin si Kleindro sa akin kahit sinabi kong ayos lamang. Inihatid niya ako sa isang kwarto at lumabas din nang mag ring ang kanyang telepono.

Ako naman ay inusisa ang malaking silid at agad na nag settle sa couch para abalahin ang sarili ko sa harap ng telebisyo bawat paggalaw kase ng yate ay patindi ng patindi ang kaba ko.

Naghanap ako ng magandang pelikula pero puro horror ang nakita ko kaya yun ang pinanood ko.

Nawala kaagad ang atensyon ko sa pag galaw ng yate ngunit nagsisi din nang maging intense ang eksena sa pinapanood.

Malakas ang volume kay hinagilap ko ang remote para pahinaan iyon ngunit nakailang pindot na ako ay hindi pa rin iyon humihina. Hindi gumana kahit ipinatok ko na iyon sa aking kamay.

Kinilabutan ako nang biglang pumailanlang ang halakhak ng manikang killer sa pelikula. Balisa kong iniikot ang tingin sa loob ng silid. Malapit nang dumilim sa labas sigurado ako.

Panay ang kalabog ng hinayupak kong puso habang pikit mata akong papalapit sa tv. Balak kong doon na lamang patayin dahil hindi gumagana ang remote control pero agad na umalingawngaw sa buong silid ang matinis kong tili dahil lumabas sa screen ang duguang manika saktong idinilat ko ang mata para hanapin ang male plug.

Dire-diretso ang pagtili ko habang tumatakbo sa direksyon ng pintuan ngunit bago ko pa iyon tuluyang malapitan ay bumukas na iyon at iniluwa ang maputlang si Kleindro.

He let out a sigh of relief as his anxious eyes bore into me. Agad naman akong yumakap para sumiksik sa kanya.

Nakakabingi ang tibok ng puso ko ngunit sa kabila ng nakakatakot na tunog mula sa tv ay mas nangingibabaw sa akin ang biglaang realisasyon. Yakap ko si Kleindro.

Naestatwa kami ng sabay pero mas una siyang nakabawi.

"Bakit ka sumisigaw? Akala ko kung napano ka na."

Umiling ako at kumalas sa kanya.

"P-Patayin mo," ani ko saka itinuro ang tv na patuloy pa rin sa pag iingay.

Umiling-iling siya at naunang lumapit sa telebisyon para patayin iyon. Ako naman ay nakalabi habang sinusundan nang tingin ang bawat galaw niya.

"Bakit ka kase nanuod ng horror movie, matatakutin ka pala?"

Hindi na ako sumagot.

Ano man ang lumabas sa bibig ko ay tiyak na magiging kahiya-hiya iyon.

"Malayo pa ba tayo?" pagbubukas ko ng panibagong usapan.

Sumulyap siya sa relong pambisig.

"Forty minutes, malapit na."

Napatango-tango ako.

Wala na kaming ginawa kundi magbyahe maghapon. Parang sumasakit na ang ulo ko at gusto ko nang mag settle agad sa kama kahit panay ang tulog ko sa kotse.

Nanatili kaming dalawa sa loob ng kuwarto hanggang sa tumigil ang yate. Gaya ng pagsakay ay nakaalalay din siya pababa.

"Salamat, Sin."

"Wala ito. Imbitahan nyo na lamang ako kung ikakasal kayo sa simbahan," nakangising kaway ni Sin.

Hindi na kase siya bumaba dahil aalis din naman daw siya para umuwi sa asawa.

Six Months Agreement with Mr. Arrogant (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon