Chapter 72

295 11 1
                                    

Sinusuklay suklay ko ang buhok ko gamit ang mga daliri ko habang palabas ng kwarto. Nakita ko si Amira na malawak ang ngiti habang hinihintay ako sa may sala

"Ready ka na ba sa boss day?" Nakangiting tanong niya. Habang ginigiya ako patungo sa kusina

"Anong boss day?" Tanong ko rito.

Ngumiti lang ito saka tinulak ako papasok sa kusina. Muntik pa akong matumba kaya nakagawa ako ng ingay sanhi ng mga bagay na nagkalat sa sahig. Kumunot ang noo ko habang binalingan ng tingin si Amira. Ngunit para naman itong tangang ngumuso nguso tila may gustong iparating. Binaling ko naman ang tingin ko sa bandang kanan ko kung saan nginunguso nguso ni amira.

"AHAHAHA!!! HAHA! HA-HA HAHA!!"

Humalakhak ako ng sobra sobra at halos hindi na talaga makahinga dahil sa sobrang pagtawa ng makita ko si Calixian na nakasuot ng hello kitty shorts, hello kitty chief's hat at hello kitty apron.

"Nakakaganda ng araw right? Now come on, tignan natin kung ano ang inihanda ng husband mo for you!"

Tatawa tawa akong sumunod kay Amira at pumwesto na sa table habang walang sawang tinitignan si Calixian na sobrang simangot na ng mukha.

"Kindly prepare the breakfast for your lovely wife, kitty man." Utos ni amira dito.

Padabog naman itong tumalikod para gawin ang trabaho niya.

"This is what we called "the boss day"  tayong mga babae ang boss dito kaya dapat lang na pagsilbihan nila tayo ng mabuti at sundin ang gusto natin. Kaya if you want anything ipagawa o i-utos mo nalang sa asawa mo ha" ngiting ngiting anito. Tumango naman ako sa kanya at saka tatawa tawang ibinaling ang tingin kay Calixian habang nagsasalita mag isa dahil sa pagka inis.

"What did you do para mapasunod siyang magsuot ng ganyan?" Tanong ko kay Amira.

"Simple, I blackmailed him HAHA-EWW! What is that! Bakit sunog sunog at.. ano to? Parang kinulang nang luto?"

Sinuri ko rin ang inihanda ni Calixian na nasa table na ngayon. Di ko alam kung pagkain pa ba ang tawag dun o ano?

"Ano yan?" Tanong ko kay Calixian.

"Your breakfast" tipid na sagot niya.

"Breakfast? Paano ko kakainin yan?"

"Are you a child para sabihin ko pa sayo kung paano kumain?" Sarkastiko niyang sambit.

"No, it's not that. I mean is, paano ko kakainin yan? Yung left side sunog, yung right side naman parang hindi naluto ng maayos"

"Tsk. Blame her. Siya ang nag utos ng kung ano ano sakin. She just gave me the ingredients without even giving me the proper instructions on how to cook it. So don't blame me" aniya habang inalis ang hat saka umupo kaharap ko.

"Duh, task nga yun noh! I gave you a task na lutuin mo yan in your own way! Wag ako sisihin mo kung bakit ganyan ang resulta  nang pagkain! And hello! It's not my fault kung bakit sunog-hilaw yang niluto mo."  Ani Amira.

"If you don't want to eat that food, just eat fruits instead" Ani Calixian habang inilabas ang mga prutas sa isang supot ng plastic at ibinigay sa akin.

"Hoy! Saan galing yan? Wala naman akong natatandaang may prutas ako dito ah!" Amira

"I bought these earlier. I know hindi makakain tong ipinaluto mo sakin kaya nanigurado na ako. I don't want to starve my wife just because of that crazy task!"

Calixian Bancroft (Bancroft series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon