Kabanata 23

14.6K 356 54
                                    

KABANATA 23 :: PREGNANT

Nang kumalas siya sa pagkakayakap sa akin ay mas malala pa yata ang awkwardness sa hangin kesa sa panga ni Manang na kusang nag s-stretch.

"A-Ah... Maligo ka kaya muna? Ise-set up lang namin ang hapagkainan, susunod din ako para magbihis."

"Alright."

Hinintay ko ang sasabihin ni Manang ng makaalis si Kleindro ngunit wala siyang binanggit tungkol sa nakita. Binigyan lamang niya ako ng instructions sa mga dapat kong gawin gaya ng kung paano ilalagay ang ulam sa mangkok ng mabilis ngunit hindi ako napapaso.

"Ayos na ito." deklara ng matanda.

"Sige po, babalik muna ako sa kuwarto para magbihis at maglinis ng sugat."

Kumunot ang noo niya ng mabanggit ko ang salitang sugat kaya naman agad akong nagpaalam bago pa siya makapagtanong.

Lagaslas ng tubig mula sa banyo ang sumalubong sa pandinig ko nang makapasok sa kuwarto.

Agad naman akong lumibot para tingnan ang cabinet. Hindi ko matandaan kung may mga gamit ba akong dala ng mga bodyguard. Wala naman kaming bitbit ni Kleindro ni isang pamalit. Itong suot kong pantulog ay nasa tabi ng jacuzzi kagabi kaya ito na lamang ang sinuot ko.

Bumulagta sa paningin ko ang mga damit na may iba't-ibang haba at kulay. Dalawa ang aparador kaya baka kay Kleindro yung isa.

Humugot ako ng kulay puting kimono style dress.

Hindi ko pa naiisara ang cabinet ay bumukas na ang pintuan ng banyo at iniluwa niyon ang top less ni Kleindro.

A tiny white towel is dangerously hanging in his sexy hips.

Agad akong nag-iwas ng tingin at pilit nagpaka kaswal.

"Tapos ka na ba? Maliligo na ako."

Ramdam ko ang tensyon sa pagitan namin kaya ni sulyap ay hindi ko na muling iginawad sa kanya.

Ayokong magkasala.

Hindi pa siya nakakasagot ay dumiretso na ako sa banyo agad. Pakiramdam ko ay kailangan ko na talagang iligo ang kakaibang init na nanunulay sa mga ugat ko.

Tumapat ako at kahit umagang-umaga ay isinet ang temperatura ng tubig sa pinakamalamig kaya naman panay ang singhap ko habang nakababad sa shower. Pinanindigan ko na lamang ang kahangalan at hinayaan ang sarili kong magising sa malamig na tubig.

Nilinis ko ang sugat kong sa kabutihang palad ay hindi na masyadong kumikirot kapag nagagalaw. Pinalitan ko ang benda niyon pagkatapos tuyuin ang katawan ko gamit ang tuwalya.

"Oh shit!"

Napapikit ako ng mariin nang mapagtantong sa labis kong pagmamadali ay hindi ko na nadala sa banyo ang mga damit ko, kahit panty at bra.

Kaya naman inipon ko ang lahat ng lakas ng loob para buksan ang pintuan. Nagdadasal na sana ay nainip siya nauna nang bumaba para kumain.

Halos manlambot ang tuhod ko dahil unang tapak ko pa lamang papalabas ng banyo ay si Kleindro na kaagad ang sumalubong sa akin.

Hindi pa rin siya nagbibihis. Hubad pa rin, nakaupo sa kama at nakatalikod sa gawi ko.

Maingat akong naglakad palabas at agad na hinigpitan ang pagkakapulupot ng roba sa hubad kong katawan. Malamig ang hangin galing sa bukas na sliding glass door lalo pa at panay ang pagtulo ng tubig galing sa basa kong buhok.

Lumapit ako sa cabinet at agad na kinuha ang mga damit na plano kong suutin.

Nang muli kong mapasulyap kay Kleindro ay nakatingin siya sa akin ngunit hindi nagsalita. Hinagod niya ako ng mainit na tingin mula ulo hanggang paa.

Six Months Agreement with Mr. Arrogant (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon