Kabanata 24

14.9K 361 21
                                    

KABANATA 24 :: SWIM

Dahil sa nangyari ay hindi halos ako nakakain sa natitirang oras ng almusal. Naging tipid ang bawat subo ko. Nang mailigpit naman ang pinagkainan namin ay sa hammock ako dumiretso.

Nasa likod iyon ng bahay, sa ilalim ng dalawang malaking acasia.

Doon ako nag settle bitbit ang aking cellphone na ilang araw kong hindi nahawakan.

Pagka log in na pagka log in ko sa aking Facebook ay sinalubong ako ng napakaraming mensahe mula kay Dairene. Hindi ko na binasa lahat, nireplyan ko lamang ang huli niyang mensahe.

Dairene San Juan:

Vanna asan ka na?

Ilang araw kang di nagpaparamdam ah.

Galawin mo ang baso.

Vanna Avzayde:

Good morning!

Hindi pa ako nagtatatlong kurap ay nalatanggap na ako ng reply.

Dairene San Juan:

Sa wakas nag reply din!

Ano asan ka!

Meet tayo naka uwi na ako!

Vanna Avzayde:

Out of town kami ni Kleindro...

Sinamahan ko ng malungkot na emoji.

Ang unang reply nya naman ay yung umiiyak na pusa.

Dairene San Juan:

Second honeymoon?

Vanna Avzayde:

Lol work related.

Nasan ka ngayon?

Minsan, kailangang magsinungaling kahit sa pinakamalalapit na kaibigan. May mga bagay kase na kahit ipaliwanag, hindi mo lubos na maintindihan.

Dairene San Juan:

Nag yoyoga kanina.

Vanna Avzayde:

Oh tapos na?

Dairene San Juan:

Hindi pa. Pero mas mahalaga ang reply mo noh!

Iniwan ko muna, may bukas pa naman.

Vanna Avzayde:

Akala ko ba focus ka sa pag gy-gym dati? Bat ka biglang nag meditate?

Dairene San Juan:

Teka video call tayo.

Wala akong ginawa kundi tumawa habang magkatawagan kami. Talagang ikenwento nya ang gwapo pero masungit niyang yoga instructor. Siya lamang daw ang sinusungitan.

"Gaga ka, inaway mo yung teenager?" tukoy ko sa babaeng 'nagpapacute' daw sa crush niya.

"Hindi," tumawa siya ng mahina. "Sinabi ko lang na girlfriend na ako ni Lawrence kaya umiyak."

"What? Dairene you're so mean!" bulalas ko.

Nagtawanan kaming dalawa at kung saan-saan pa napadpad ng aming usapan. Kung hindi sa ipinangako niyang shopping sa kanyang mama ay maghapon kaming magtatalakan.

Pinatay ko ang aking cellphone. Noon ko lamang naramdaman ang pares ng mayang nakamasid sa akin kaya pasimple kong inilibot ang mata sa paligid.

Nang wala akong makita ay dumako ang mata ko sa malaking glass window sa opisina ni Kleindro sa second floor. Gumagalaw ang kurtina doon kahit sarado naman. Baka dahil sa hangin sa loob.

Six Months Agreement with Mr. Arrogant (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon