37. Attack

165K 2.9K 878
                                    

Ramdam nya ang sakit.

Halos hindi sya makahinga.

Muling tumulo ang luha sa mga mata ni Angela.

Tatlong araw na syang puro iyak ang ginagawa.

Nakahiga duon sa single bed sa madilim na kwarto na inupahan nya.

Its been three days ngunit kapag naalala nya ang mukha ni Dylan kusang tumututulo ang luha sa mga mata nya.

Grabe naman kasi ito.

Ang sakit kasi na hindi sya magawang paniwalaan nito.

Oo ilan beses nang nangyari na mas kinakampihan nito si Brena.

Pero nangako kasi sya.

Dapat kahit hindi sya kilala nito dapat ramdam nito na marunong syang tumupad sa pangako.

Dapat subconciously aware ito na ang sumira sa pangako ang hindi nya kayang gawin.

Namaluktot sya at niyakap ang isang unan.

Madilim sa apartment nya, hindi sya nag-abala na buksan ang bintana.

Pagdating nya rito three days ago dumeretso sya sa kama at umiyak lang ng umiyak.

Walang nakakaalam kung asan sya.

Wala syang pinagsasabihan.

Naka open parin naman ang cellphone for her to become updated.

Binabasa nya ang mga messages at pinapakinggan ang voice mail nina Gelo, Landon, Jayzen at Yna. Kahit naman ganito sya

hindi nya pwedeng pabayaan ang mga dapat nyang gawin.

Muling tumunog ang cellphone nya.

Hinanayaan nya lang iyon mayamaya naman makukuha na iyon ng voice mail.

"Where the hell are you Angela!" Napaupo sya ng marinig ang boses ni Dylan.

Nanginginig ang kamay na kinuha nya ang cellphone nya.

"Go home Angela. Nag-aalala na ang lahat sayo."

Ngumiti sya ng mapait.

"Kasama ka ba sa mga nag-aalala?"

"Fuck Angela! Umuwi kana! Come back home bago ako mabaliw dito."

Tumulo ang luha sa mga mata nya.

Alam nyang hindi parin ito nakakaalala.

Ang Dark King nya hindi ganon ang sasabihin sa kanya. Meron itong salita na kapag binanggit nito malalaman nya na

nakakaalala na ito.

"Damn it! Kapag nahanap kita sisiguraduhin ko na itatali na kita talaga-."

Pinutol nya na ang pakikinig at muling binagsak ang sarili sa kama.

When she said she is done, she really mean it.

Dahil talagang napapagod na sya.

Pagod na syang maghanap maghabol at magpaalala.

Ipinapaubaya nya na kay Dylan ang lahat.

Kung maalala sya nito eh di masaya sya.

Kung hindi naman. Eh di mamatay sya.

Nakaya nyang mabuhay ng anim na taon kahit wala ang binata dahil pinanghahawakan nya ang pangako nito, nakakatiis sya.

kahit masakit.

...kahit mahirap.

But now alam nyang nasa kamay na nito ang lahat at kapag sa huli hindi parin sya nito maalala alam nya at sigurado syang unti-unti syang mamamatay.

His Blue Eyed Bad Girl Angel (Sinner or Saint)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon