PROLOGUE

855K 25.8K 22.6K
                                    


My little request: sa mga mag-reread, please huwag po tayong mag-spoil sa comments section 🥹🙏 Let us not take away the experience of excitement and thrill for our new readers 🥰❤️ Kindly tag @windiespatrol if you see spoilers sa comments! 🚨 Users who violate will be muted or blocked from the account.

◈◈◈

The events in this story happen in the year 2022.

FIFTEEN.

That's not my age, it's my damn name. Yup, my parents named me after their wedding anniversary. Pinangalan nila iyon sa'kin para hindi raw nila malimutan. Kahit sanggol pa lang, ako na agad ang nag-adjust.

Dahil siguro roon ay lumaki akong laging inuuna ang iba kaysa sa'king sarili. Sanay na akong mag-adjust para sa mga tao. Kaya kahit nag-trending sa Facebook at kumalat sa social media ang larawan ng aking nobyong nakikipaghalikan sa ibang babae, ako ulit ang nag-adjust.

"Social media detox," usal ko sa'king kaibigan bilang pagtugon sa kaniyang mukhang hindi maipinta. Kasalukuyan kaming nagtsitsikahan sa McDo habang kumakain ng tanghalian. "Iyon ang tawag sa ginagawa ko ngayon."

"Pero, Fifteen! How can you live without Facebook?!" halos mapiyok na sambit ng mataas na boses ni Twyla.

"How can I live with Facebook after seeing that jerk's viral photo?" kunot-noo kong sagot. "Nakalawit pa ang dila ng kumag! Akala mo tumutulong ice cream ang dinidilaan. Hindi lang FB ang nawala sa'kin—buong dignidad ko. That's why I decided to delete my entire existence on social media."

"Kahit TikTok?" pahabol ni Twyla na napapalunok pa.

"Kahit TikTok," diretsahan kong sagot. Bye, Joshua Garcia.

Biglang sumama sa usapan namin ang aming lalaking kaibigan na si Calfie. Isiningit niya ang kaniyang tray sa pagitan namin at sabay dumukot mula sa mga nakatilapon na french fries sa aming tray. "Mukhang tama lang na mag-social media detox ka muna, Fift," bungad nito bago umupo sa tabi ko.

"B-Bakit?" Kinabahan ako sa pagkaprangka niya, tila ba may nalalaman ito.

"May part two ang scandal ni boyfie!" Nilabas ni Calfie ang kaniyang phone at hinarap ito kay Twyla. Alam niya kasing ayaw kong makita iyon. "Mukhang magiging trilogy pa!"

"At parang excited na excited yata kayo?" taas-kilay kong usal sa kanila habang kinukurot ang tagiliran ni Calfie.

"Huwag ka nang magalit, Fift! May good news ako para sa'yo." May inilabas siyang flyer mula sa dala-dala niyang bag at ipinakita sa'kin ito.

Kinuha ko naman ang nakabalandrang papel at binasa ang mga nilalaman nito. 'Looking for an assistant to work at my villa. I will pay handsomely. But strictly no phones allowed.'

Napanganga kaming dalawa ni Twyla nang mabasa ang malaking sweldong nakalagay sa flyer. Napatikhim ako dahil kailangan ko ang perang iyon para sa mga mamahaling gamot ng aking panganay na kapatid.

"Pera o social life?" Tila host sa game show na tinanong ako ni Twyla. Sinamahan niya pa ito ng pagtutok sa'kin ng isang pirasong french fry na animo'y mikropono.

"Pera, final answer!" pasigaw na sagot ko at kinuha ang nakaturong french fry para isubo ito.

***

SUMUKO na ang sinakyan kong taxi bago pa kami makarating sa villa. Nasiraan ito dahil sa sobrang layo at tarik ng bundok na inakyat ng kotse. Lumabas ang driver para silipin ang kaniyang makina. Bakit napakaliblib naman ng lugar na 'to? Ito ba talaga ang nasa address?

"Sorry, miss, hanggang dito na lang talaga ako. Hindi na kita maihahatid," nakayukong paumanhin ng taxi driver. "Pero malalakad naman na ang villa. Iyon siya, mga dalawang kilometro na lang ang layo."

Sinipat ko ang direksyong itinuro niya. Nakita ko ang isang malaking mansyon sa tuktok ng isang talampas. Tumango ako sa driver at nagpasalamat sabay abot ng bayad. Buhat-buhat ang maleta, nagsimula na akong maglakad.

Wala pang sampung minuto ay naligaw na agad ako. Hindi ko na makita ang villa na kanina lamang ay naaaninag ko. Hinihingal na rin ako dala ng bigat ng aking maleta. Bakit ba kasi kailangan sa trabahong ito na manirahan sa villa? Hindi ba uso ang work-from-home sa kanila?

"Ate! Ate! Saan ka pupunta?"

Napatili ako nang biglang may tatlong batang sumulpot mula sa kung saan. Mukha naman silang mga normal na bata kaya nakahinga ako nang maluwag.

"Alam niyo ba kung saan ang Villa Vouganville?" nakangiting tanong ko sa kanila.

Nagtinginan ang tatlo at humarap muli sa akin. Napansin kong bakas ang takot sa kanilang mga mukha. "Iyong haunted house sa tuktok ng bundok?"

"H-Haunted house?" Halos mawalan ako ng boses dahil sa kanilang sinabi. Nanunuyot na ang aking lalamunan dahil nagsimula na rin akong matakot.

"Oo, may nakatirang mumu ro'n!" sigaw ng isa sa kanila.

"Hindi, bampira ang nakatira ro'n!" kontra ng katabi niya.

"Dire-diretsuhin mo lang ang gawing ito, miss," seryosong bigkas ng pangatlong bata. Buti na lamang ay may isang matinong sagot mula sa kanila.

Nagsisimula nang magdilim ang langit. Pagkatapos ng tila walang hanggang paglalakad ay nakarating na rin ako sa wakas. Inayos ko ang aking nagulong buhok at tumkhim muna bago kumatok sa pintuan. "Mr. Vouganville? Narito na po ako."

Nakaukit ang mga salitang 'Villa Vouganville' sa itaas ng pintuan. Malaki't malawak ang hitsura ng villa, hindi pa ako nakakapasok ngunit sigurado na akong nakakaligaw sa loob. Kamukha nito ang mga kastilyong nakikita ko sa mga libro noong bata ako. Medyo makaluma ang pagkakadisensyo kaya hindi ako nagtataka kung bakit inaakalang haunted house ito.

Nagulat ako nang biglang bumukas ang pintuan. Kinabahan tuloy ako dahil sa mga kung ano-anong pinagsasabi ng mga bata kanina.

Napaatras ako sa bumungad sa'kin sa loob. Hindi si Mr. Vouganville ang sumalubong sa'kin, kung 'di isang sulat na nakadikit sa vase malapit sa pintuan.

May dalawang salitang nakasulat doon na siyang nagpatayo sa aking mga balahibo: Watch out.

Knock, Knock, ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon