CHAPTER 1

719K 26.7K 55.3K
                                    


NAKAPAKO pa rin ang aking mga mata sa nakasulat sa papel. Bakit may babala sa bungad ng mansyon, at ano ang binabalaan nito sa'kin? Napaigtad ang aking katawan kasabay ng pagsara ng pintuan. Lumunok ako nang tatlong beses at inayos ang aking pagkakatayo. Huminahon ka, Fift. Imposibleng may mumu rito.

"Ay, putang ina!" Napamura ako nang makarinig ng tatlong katok mula sa loob ng mansyon. Hindi pa ako nakaka-recover ay sinundan ulit ito ng mas mabilis at tila naiinip na pagkatok. Pupuntahan ko ba ang direksyon kung saan nanggagaling ito?

Ayon sa mga napanood kong horror movies, hindi ko dapat pakinggan ang aking kuryosidad. Kaya naman lumayo ako mula sa tunog na iyon at pumunta sa kabilang gawi.

Pinagmasdan ko ang Villa Vouganville. Mas lalo itong maganda sa loob, at nakakamangha ang lawak nito. Mataas ang mga bintana at lalong mas mataas ang kisame. Nakakapagtaka dahil saradong-sarado ang mga bintana at nakababa ang lahat ng mga kurtina. Sayang naman ang view.

Victorian style ang disensyo ng gusali at ultimong mga gamit dito. I instantly fell in love with its vintage aesthetic. Pakiramdam ko tuloy ay isa akong prinsesa.

"Mr. Vouganville?" ulit ko. Wala pa ring sumasagot. Hindi kaya natutulog pa ito?

Pinadulas ko ang aking kamay sa hilera ng mga librong nakalagay sa bookshelf. Huminga ako nang malalim at inamoy ang bango ng mga lumang libro.

Umagaw sa'king atensyon ang isang pulang libro na may nakasulat na 'XV' sa gilid nito. Kinuha ko ito at pinagmasdan. Isa pala itong biograpiya ng isang kilalang propesor. Binasa ko ang mga unang pahina nito.

Si Professor Xildius Vouganville ay isang dalubhasang propesor sa iba't ibang larangan at disiplina. Ang kaniyang expertise ay psychology at human anatomy. Siya ang pinakabatang propesor na nabigyan ng Nobel Prize sa literatura dahil sa kaniyang mga akda.

Gusto ko pa sanang magbasa ngunit bigla kong naisara ang libro nang makarinig na naman ng panibagong pagkatok. Isinoli ko na lamang ang libro at nagpasyang umupo sa isa sa mga sofa roon.

Napansin kong may liham na nakaipit sa ibabaw ng lamesita. Hindi ko alam kung papakialaman ko ba ito noong una, ngunit sa pangalawang tingin ay nakita kong may nakasulat na 'Read this' doon, kaya naman kinuha ko ito at binasa.

To my assistant,

Bukas ang simula ng iyong opisyal na trabaho. Ang kuwartong tutuluyan mo ay nasa pinakakanan sa ikalawang palapag. Just don't create too much noise, because I can get easily distracted. I need total concentration on my work. Also, please don't forget that when you hear someone knocking, it means that I am calling you to come to me.

From,
XV

Agad akong napatayo nang mabasa ang dulong parte ng liham. Patay! Kanina pa pala ako tinatawag ng amo ko! Tumakbo ako pabalik sa main entrance kung saan ko unang narinig ang mga pagkatok. Sana ay hindi pa siya nagagalit sa'kin, ayokong masisante agad sa unang araw ng aking trabaho.

Lumalim na ang gabi at lalong nagdilim ang buong paligid. Dahil sarado ang mga bintana, halos wala na akong makita sa loob ng mansyon. Kulay itim na lamang ang nakikita ng mga mata ko kahit saan ako tumingin, ngunit patuloy pa rin akong tumatakbo dahil sa takot na mapagalitan.

Bigla akong may nasaging vase, at nabasag ito pagtama sa sahig. Hala, lagot! Agad akong lumuhod para kunin ang mga piraso, ngunit nasugatan ang aking kamay dahil sa bubog. Shit, ang sakit. Hindi ko man lang makita kung malalim ba ang sugat na aking natamo.

Napasinghap ako nang makaramdam ng mainit na kamay na dumapo sa'king pupulsuhan. Kinuha niya ang aking kamay at dahan-dahang tinanggal ang nakapasok na bubog. Ang sunod kong naramdaman ay ang hapdi at lamig mula sa tubig na amoy disinfectant.

Knock, Knock, ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon