CHAPTER 3

544K 21.9K 8.1K
                                    


NANUYOT ang aking bibig at lalamunan dahil sa matinding takot. Nilibot ko agad ang aking tingin sa kaniyang kuwarto, baka sakaling may mahanap akong kahit anumang magagamit laban sa kaniya.

"Fifteen Salustiana, answer me..." he grunted under his heavy breath. Dinig ko ang galit sa kaniyang tono. Mabigat ang kaniyang paghinga at halatang nagtitimpi.

Kinuyom ko ang aking mga palad at huminga nang malalim. Nagsalita ako nang hindi pa rin humaharap sa kaniya. I didn't want to face him because I was too scared.

"A-Ano'ng ibig sabihin ng mga larawang ito?" Nanginginig ang boses ko habang nagsasalita. Pinipigilan ko rin ang pag-iyak. "Kaya ba bawal ang phone d-dito sa villa? Para hindi makahingi ng saklolo kapag may gagawin kang masama?!"

"Listen..." He paused for a bit before answering. "My fields are psychology and human anatomy. I believe those two subjects go well together. In order to fully understand human beings, I needed to study both their minds and their bodies."

Kinagat ko ang aking labi, at nararamdaman ko na ang pagtagaktak ng mga pawis ko sa noo. Hindi niya pa rin nasasagot ang tanong ko.

Nagpatuloy siya sa kaniyang sinasabi. Nasa likuran ko pa rin siya at nararamdaman kong naglalakad siya dahan-dahan palapit sa'kin. "But aside from that, I discovered that those two fields are also useful in hunting down serial killers—by identifying their behavior and their mode of killing."

Nakita ko siyang lumapit sa mga nakasabit na larawan. Isa-isa niyang pinipitik ang mga ito habang nagpapaliwanag, tila ba wala lang sa kaniya ang mga nakakatakot na imaheng naroon.

"Do you know the work you just signed up for? Kinokonsulta ako ng mga kliyente tungkol sa iba't ibang mga bagay, lalo na kapag may kakaibang kinikilos ang mga tao sa buhay nila. We'll be handling different cases, from missing persons..."

Nagtaasan ang mga balahibo ko sa batok nang maramdaman ang kaniyang pagbulong sa'king tainga. "To serial killers," dugtong niya.

Hindi ko namalayan na nasa likuran ko na pala siya. Muntik na akong mapaluhod dahil sa panghihina ng mga tuhod ko, ngunit nilabanan kong maigi ang aking takot.

"You're a genius psychology professor," usal ng aking matapang na boses. "Paano ko masisigurado na hindi ka nagsisinungaling? Baka sinasabi mo lang ang mga iyan para mapaniwala ako?"

I heard a slight chuckle, as if he was amused by what I just said. "Matalino ka rin palang babae. That's cute."

Napaigtad ako nang maramdamang inipit niya ang ilang hibla ng buhok ko sa'king tainga mula sa likuran. "Well, Fift, there's indeed a fifty-fifty chance that I am a killer. And there's zero way for me to prove that I am not. Paano ba 'yan? We're stuck in a dead end."

Narinig kong hinila niya ang isang silya sa kuwarto at umupo siya nang komportable rito. "Alam mo naman kung saan ang pintuan. Maaari kang tumakbo papunta roon at tumakas. Kaso, puwede rin kitang habulin at patayin kung sakaling mamamatay-tao nga ako."

"Bakit mo ba sinasabi 'yan?!" pasinghal kong reklamo habang napapailing. "Lalo mo tuloy akong nililito!"

"I'm just stating the facts," he answered with a smirk. "Concerned lang naman ako para sa'yo. Ayaw mo ba no'n?"

Sa wakas ay nagkaroon na rin ako ng lakas ng loob. Umikot ako para harapin siya, at iyon ang unang beses na nakita kong mabuti ang kaniyang hitsura.

My jaw dropped upon seeing his unbelievably godly features.

Una kong napansin ang malalim niyang mga mata na nasa gitna ng kulay abo at itim. Tinatakpan ito ng mga pilikmatang nakakainggit ang haba. Makapal ang kaniyang dalawang kilay na laging magkasalubong.

There are faint dark lines around his deep-set eyes, making him look sexier. Sigurado akong nakakalunod 'pag tumitig ang mga matang iyon.

Matalas ang hulma ng panga niya, at kitang-kita ko ang pag-igting nito na sinasabayan ng pagbaba ng kaniyang lalagukan. Bawat detalye at galaw niya ay sadyang nakakaakit.

Perpekto ang pagkakatangos ng kaniyang ilong, at sa ilalim nito ay ang mapupulang mga labi na nahalikan ko kagabi.

Umangat ang kaniyang tingin at nagtama ang aming mga mata. Nakaramdam ako bigla ng mga ligaw na paruparo sa pagitan ng aking tiyan at dibdib. Anyone would go crazy for this dangerously attractive professor. Kahit ako ay muntikan nang mabaliw sa mga saglit na iyon.

Kalma, Fift. Pinagmamasdan mo lang siya para makabisado ang kaniyang mukha kung sakaling isusumbong mo siya sa pulis.

"M-May isang paraan para mapatunayan kong hindi ka isang mamamatay-tao," I managed to say out loud. Napansin ko ang pagtaas ng isang kilay niya, nabihag ko ang kaniyang kuryosidad. "I'm going to take the first client request and observe how you work, professor."

"Fifteen, solving the client's problem won't prove that I'm not a killer," pangongontra niya.

"Pero at least ay may natulungan kang tao," sagot ko sa kaniya. Nakita kong bahagya siyang napanganga. "Gagaan na ang loob ko, dahil kahit papaano ay mayroon ka pa ring puso."

Ngumisi siya na tila ba namangha sa'king sinabi. "But what if I'm only doing it for the money?" he stated confidently with crossed arms.

"I'll take the fifty percent chance that you're not a killer." Pinunasan ko ang aking pisngi na natuyuan na ng luha. "Don't worry, I'm only doing this for the money too."

"You're an interesting woman," sambit niya habang pinagmamasdan ang aking mukha't katawan na may ngiti sa kaniyang labi.

"I'm just stating the facts, sir." Binalik ko sa kaniya ang sinabi niya kanina. Inayos ko na ang aking pagkakatayo at naglakad na papunta sa pintuan. "Baka naghihintay na ang kliyente, mauuna na po ako."

Narinig ko siyang napasipol pag-alis ko ng kuwarto. Napangiti rin ako habang naglalakad palayo.

Pagkarating ko sa silid ay naroon na nga ang kliyente. Isa itong medyo matandang babae na nasa singkwenta na siguro ang edad. Pumasok na ako at sinarado ang pintuan.

Nang makita niya ako ay agad siyang tumayo at lumapit. Nabigla ako nang hinawakan niya nang mahigpit ang suot kong damit.

"M-Miss, p-parang awa mo na..." humahagulgol niyang daing. "Tulungan niyo 'kong hanapin ang nawawala kong anak!"

Knock, Knock, ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon