thirty nine

97 12 0
                                    

"pa naman , pagbigyan mo na ako sa gusto ko . Ano pa ba ang gusto mong gawin ko para hayaan mo akong pakasalan si Luna ?" Pagpupumilit ni Riki sa papa niya . Ilang beses na din niyang kinausap ito pero hindi talaga ito pumapayag .

" She has Ethan now , Riki . Silang dalawa na ang ipinagkasundo and besides , you're not that responsible enough . " Tugon lang ng papa niya . Ayaw man niyang magalit dito pero sa sitwasyon ngayon ay hindi niya mapigilan .

" I don't know what you mean by the word ' responsible' kasi sa tingin ko naman ay responsable naman ako . Pero bakit feeling hindi niyo 'yon makita ? I did whatever you told me to do . I've been a good son to you yet you never saw all of it . Nagbubulag-bulagan lang ba kayo or what " Inis na sagot niya sa papa niya . Nagulat naman ito dahil ngayon niya lang nakitang nagkaganun si Riki . Ever since he was a child , he never raised his voice when he's talking to them . He's been a very good child pero ano to ngayon ?

" Don't raise your voice when you're talking to me Riki ! I know what I'm doing and it's for your own good . Luna is already betrothed to Ethan and that's final . "

Biglang namang napayuko si Riki nang ma realize niyang napagtaasan niya ng boses ang ama niya . Hindi niya 'yon sinasadya pero parang ang unfair naman na hindi siya pagbigyan ng papa niya . Dapat nga nasa kanya ang tiwala ng papa niya kasi siya ang sarili nitong anak at hindi si Ethan . Pero bakit parang lumalabas lang na walang tiwala ito sa kanya . Kung tutuusin nga wala namang napatunayan si Ethan sa pamilya nila . Mahal ni Riki si Ethan pero nagtataka siya kung bakit ganito . Dapat siya ang mas may karapatan kasi siya ang legitimate child .

" Please pa , consider my request . Mahal ko si Luna at hindi ako papayag na sa iba siya ikakasal . Matagal akong nanahimik tungkol dito pero hindi ko na talaga kaya . Ayokong mapunga siya sa iba " pagmamakaawa niya dito pero parang hindi ito narinig ng papa niya .

" Lumabas kana Riki . " Sabi lang nito tsaka binaling ang atensyon sa mga papeles na nasa harap niya . Halatang ayaw niyang pagbigyan ang anak niya kaya walang nagawa si Riki kundi talikuran siya at lumabas nalang .

Hindi na niya alam ang gagawin kaya pinuntahan nalang niya si Ethan .

--

"Kuya , anong gagawin ko ? Ayaw pumayag ni papa "

Tiningnan siya ni Ethan na para bang naaawa ito sa kanya bago ginulo ang buhok nito .

" Huwag kang mag alala Riki , gagawa si kuya ng paraan . Kakausapin ko si papa tsaka si mama . "

Kumislap ang mga mata ni Riki nang marinig iyon . Alam niyang gustong gusto siyang tulungan ng kapatid kaso nga lang , kahit ilang ulit na kausapin ni Ethan ang ama nila ay hindi ito pumapayag na icancel ang kasunduan nila .

" Kausapin din kaya ni Luna yung dad niya . Baka sakaling pumayag 'yon " suhestyon ni Ethan .

" Ilang ulit na niyang nagawa 'yon kuya , just like you . Pero same as yours , walang epekto . "

" Papaniwalain ko kaya silang nakabuntis ako para hindi na nila ako ipakasal kay Luna "

" Kuya naman ! Eh di mapapalayas ka niyan " parang dismayadong sagot ni Riki sa kanya . Parang ewan kasi kung mag isip si Ethan.

" Ehh di yan .. tsaka nasa plano ko na rin naman yun hehe " pagbibiro pa niya pero ayaw ni Riki sa idea na yun .

" Huwag kang gagawa ng mga bagay na ikakasira mo kuya . Tandaan mo , malapit ka nang maging doctor . Ilang taon nalang .. I don't like your plan . You'll get in trouble "

" So ano gagawin natin ? "

" Ewan ko sayo . Sabi mo pa kanina , ' gagawa si kuya ng paraan' tas ngayon magtatanong ka . Asan utak mo kuya ?" Pamimilosopo pa ni Riki .

" Oo nga no . Pilitin nalang natin si mama na baguhin yung desisyon ni papa . "

Balang Araw || Ni-ki Enhypen✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon