5

101K 3K 880
                                    

EMERY


    'He's obsessed to you.'

Obsessed? Bulag ba si Sir? Ang dami daming magaganda diyan tapos obsessed siya sakin?

"Ano bang nangyayari sa buhay ko?" Napasabunot na lang ako sa sarili ko. "Ang gulo ng buhay ko!"

Kailangan kong makaalis dito, kung kailangan kong languyin yung dagat gagawin ko makalayo lang ako kay Ezar. Pumapatay siya at siguradong masamang tao siya.

Tumayo ako at binuksan ang pinto, nang masiguro kong walang tao ay dire-diretso akong lumabas. May nakita akong hagdan, bumaba ako doon.

Mabilis akong nagtago ng makita ko si Ezar na nakaupo sa sofa, nandito din ang mga kaibigan niya at nag iinuman sila.

"What's your plan with her?"  Dinig kong tanong ni Sir. Colm

"She will stay here with me." Kahit walang sabihing pangalan ay alam kong ako ang tinutukoy niya.

"Ezar, sana lang wag kang magsisi sa mga pinag-gagagawa mo."

Dumiretso ako sa kusina, may pinto doon kaya binuksan ko iyon. Bumungad sakin ang likod ng bahay.

Pa-dilim pa lang kaya may liwanag pa at hindi gaanong mapanganib.

Tumakbo ako palapit sa dalampasigan at halos manlumo ako ng wala akong nakitang bangka, wala ding mga tao.

"Kailangan kong makaalis dito."

Unti unti akong lumusong sa dagat pero napatigil ako ng may mapagtanto ako. Hindi ako marunong lumangoy.

Nanlulumong bumalik na lang ako sa buhangin, niyakap ko ang mga tuhod.

"Lei.." Tumulo na lang ang mga luha ko. "Lei, kailangan kita ngayon. Miss na kita Lorelei."

Gusto ko ng umuwi, Miss na miss kona yung kaibigan ko. Miss kona yung bahay ko.

"Walang magagawa ang pag iyak mo." Napalingon ako sa likuran ko ng may magsalita.

Si Sir Archer

"Gusto kona pong umuwi." Pinunasan ko ang mga luha ko. "Ayoko dito, ayokong kasama si Ezar."

"You have no choice Ms. Salvacion, you will stay here hanggang sa magsawa siya sayo." Walang emosyong sabi nito. "Ezar is obsessed with you and no one can stop his obsession."

"Tulungan nyo na lang po ako, gusto kona pong makaalis dito." Pagmamakaawa ko. "Gusto kona pong bumalik sa kaibigan ko–gusto kona pong umuwi."

"Mas delikado ka kapag umalis ka sa poder niya ng hindi pa siya sawa sayo." Umupo ito sa tabi ko. "Maaaring masaktan ka niya o ang mga malalapit sayo. He can kill without hesitation."

"Ganon ka din po ba?" Tanong ko

"Kaming lima ay pumapatay." Ngumisi ito. "We're not ordinary Business Man, We're Dangerous, We're Mafia Boss."

Mafia?

"Sa aming lima ay ako lang ang may control sa sarili, si Ezar ang pinakadelikado samin dahil nawawala siya sa control lalo na kapag galit." Dagdag pa nito.

"Bakit po ba ganyan siya?"

"Naging ganyan siya magmula ng namatay si Tita–Ang Mama niya, Her Mother is chubby like you that's why He's obsessed with chubby girl. Pangatlo kana."

"Nasaan po yung dalawa?"

"Pinatay niya.."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinagot nito. Pinatay ni Ezar yung dalawa pa.

Mafia Obsession: Ezar Carter [SELF PUBLISHED UNDER PAPERINK)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon