CHAPTER 5

528K 22K 25.4K
                                    


NAGSALUBONG ang dalawa kong kilay dahil sa sinabi niya. Hindi ako sigurado kung tama ba ang narinig ko. "A-Ano kamo?" I heard my voice crack. "Hindi natin siya ibibigay sa nanay niya?"

"If everything you wrote on your reports is correct, then we shouldn't bring him back to that household," the professor spoke.

"Hindi ko maintindihan, wala naman akong napansing mali sa pamamahay nila. Mahal na mahal pa nga siya ng magulang niya!" lumalabang saad ko.

"Ano ang sinabi sa'yo ng kliyente no'ng hinahanap niya ang bata? Bakit daw ito nawawala?"

Inalala ko ang paghugolgol ng nanay ni Jansen. 'Pagbalik namin mula sa bayan ay biglang hindi na namin siya matagpuan sa bahay. Hindi ko alam kung bakit niya naisipang lumayas.'

"Paano niya nalamang lumayas ang bata kung kakabalik lang nila? Hindi ba't unang-unang aalalahanin ng magulang ay kung may dumukot sa anak niya?" kalmadong paliwanag ng propesor. "Hindi sila nag-aalala kung na-kidnap ba ang bata, dahil sila mismo ang kidnapper."

Umiling ako nang mariin. "Hindi sila kidnapper! Nakita ko kung paano umiyak at mag-alala ang nanay niya!"

"Umiiyak sila at nag-aalala dahil baka magsumbong ang bata sa pulis at mahuli sila sa krimeng ginawa nila."

Binuksan na ng propesor nang tuluyan ang pintuan. Umupo siya sa kaniyang paboritong sofa at sumunod ako sa kaniya.

"Iyon lang ba talaga ang patunay na meron ka?" I struggled to understand his train of thought. "Dahil lang sa isang salitang namutawi sa bibig ng kliyente?"

"Of course I have other proof. It's right here." Inabot sa'kin ng propesor ang mga papel na naglalaman ng aking mga obserbasyon. "You wrote there that both parents have black eyes. Sa kabilang banda, kulay-kape naman ang mga mata ng bata."

"Hindi rin naman kami magkaparehas ng kulay ng mata ng magulang ko," pangongontra ko.

"Kung ang parehas na magulang ay may itim na mata, may twenty-five percent chance na puwedeng mag-iba ang kulay ng mata ng bata kung recessive gene nila ito," salaysay ng propesor. "Kaso lang, nakita mo kamo ang mga lolo't lola ng bata, at lahat sila ay kulay itim ang mata."

I pursed my lips and leaned on the bookshelves out of shock. Hindi ako makapaniwala kung sakali ngang hindi sila ang tunay na pamilya ng bata.

"Ano'ng sabi sa'yo ng bata kung bakit siya nawawala?" tanong sa'kin ng aking amo.

"H-Hindi niya raw mahanap ang bahay nila..."

The professor rested his chin on the back of his palm and looked at me with serious eyes. "Ang tunay niyang bahay ang tinutukoy niya. Sigurado akong malayo 'yon sa lugar na ito kaya hindi niya mahanap."

Bigla akong nakaramdam ng matinding pagkahilo. Hindi ako makapaniwalang muntikan ko nang isauli ang bata sa mga dumakip sa kaniya. Halos maduwal ako no'ng naisip ko iyon.

"Go to the child, and he'll prove to you that everything I said is correct," utos ng propesor. "Pagmasdan mo kung lilingon siya 'pag tinawag mo. Sigurado akong nag-imbento lang ng pangalan ang kliyenteng iyon."

Nahirapan akong lunukin ang lahat ng mga sinabi niya. Pinilit kong ilakad ang mga nanginginig kong binti sa kusina kung nasaan ang bata. Masaya pa rin itong kumakain.

"J-Jansen?" Sinubukan ko siyang tawagin ngunit hindi pa rin ito tumitingin. "Jansen?"

Nagsimula na akong kabahan nang hindi pa rin niya ako pinapansin. Lumapit ako para tanungin ito. "B-Bata, ano'ng pangalan mo?"

Pagkasubo ng huling butil ng kanin ay humarap siya sa'kin at ngumiti.

"Dandan po," wika ng bata.

***

Knock, Knock, ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon