Chapter 147

1.1K 68 18
                                    


"Mukhang interisado ka nga na harapin ako. Pwes, pagbibigyan kita."

Nang inihayag ko ang mga kataga na 'yon ay nasaksihan ko kung papaano lumawak ang ngisi sa mga labi ng tinatawag nilang Fvyagi. Ang dalawang kasamahan naman niya ay hindi pa rin nabubura sa mga mukha ang pagkabigla, na para bang alam na nila kung ano ang magaganap ngayon. Nalaman ko man na ang dalawa kanina ay mga disipulo ng mga kanilang Panginoon, marahil ay ganoon din ang Fvyagi na ito. Wala man akong ideya kung gaano kalakas ang ipapakita niya, mas maiging maging maingat ako lalo na't wala ngayon sa aking tabi si Berrian. Ang mga demonyo ay mananatiling demonyo. Nasa bokabularyo nila ang salitang pandaraya.

Kalmadong tingin ang iginawad ko nang muling kumilos si Fvyagi. Magbibitaw ulit siya ng isang malakas na atake. Mas pinatulis at pinahaba pa ang kaniyang mga kuko sa daliri. So, ito pala ang combat weapon niya? Pero hindi rin maipagkaila na ibang level din ang agility niya. Masyado siyang mabilis. Pero sige, sasabayan ko nalang siya. Panay atake niya pero agad din 'yon hinarangan ng hawak kong espada. Nangingibabaw ang kalampang sa paligid. Ramdam ko ang paghakbang ko paatras. Nanatiling malamig ang aking ekspresyon. Nais kong ipakita sa kaniya na hinding hindi ako magpapasindak sa kanila kahit na lubos na nakakatakot nga ang kanilang hitsura.

Bigla siyang tumigil sa pag-atake saka umatras. Tumayo siya ng tuwid, hindi nawawala ang mapaglarong ngisi sa kaniya. "Natitiyak kong hindi mo pa inilalabas ang tunay mong kapangyarihan." aniya. Pinaglalaruan pa niya ang kaniyang mga daliri pero diretso ang tingin niya sa akin. "Hindi ba ako ang karapat-dapat upang maranasan ang kakayahan na mayroon ka?"

Pinili ko lang na huwag magsalita. Pero ang hindi niya alam, bigla ako nagteleport sa kaniyang likuran saka malakas kong tinadyakan ang kaniyang likod. Mabilis siyang naitulak palayo sa kakahuyan. I activate my clairvoyance. I need to buy some time dahil hindi pa siya ang dapat kong harapin ngayon kungdi ang mga tampalasan na pumaslang sa aking biyenan! Sila ang uunahin kong mabura sa mundong ito!

I shift myself infront of these two. Kita ko kung papaano nanlaki ang kanilang mga mata nang biglaan kong pagsulpot. Muli na naman umiilaw sa galit ang aking mga mata. Inangat ko ang hawak kong espada. Ang target ko ay ang babaeng demonyo, ang lumilikha ng nakakaparalisadong amoy. I gritted my teeth and cut her upper body in just an instant. Nilagpasan ko siya pagkatapos at dumapo ang mga paa ko sa lupa. Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa paligid. Pinili ko ding tumayo ng tuwid saka siya nagsisigaw nang dahil sa sakit.

"AAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!" sigaw niya dahil sa sakit.

Lumingon ako sa kaniya na blangko ang ekspresyon ng aking mukha. Kasabay na sumirit ang nakakadiring dugo mula sa kaniyang katawan. Samantala ang kasamahan naman niyang nangangalang Dirus ay napasabot ng mukha at laglag ang panga. Bakas sa mukha niya na hindi makapaniwala kung ano ang kinahinatnan ng kasama niya sa kamay ko. Hanggang sa tuluyan nang bumagsak sa lupa ang babaeng demonyo.

Mabilis na bumaling sa akin ang Dirus na hindi nagbabago ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Siya naman ang paghakbang ko palapit sa kaniyang direksyon. Napaatras siya saka suminghap. Kasalukuyan siyang nag-iisip. Namimili siya kung ano ang gagawin niya. Kung mapipilitan siyang harapin ako at labanan o gagawa siya ng paraan na makatakas sa akin. Alin man doon ang pipiliin niya, hinding hindi ako magpapatinag sa kanila. Hinding hindi ko rin mapapayagan na matatakasan nila ako. Kailangan nilang pagdusahan ang bagsik ng galit ko. Kung ano ang galit ng isang Eryndor!

Nag-umpisa na akong kumilos ng mabilis. Bahagyang ginalaw niya ang isa niyang kamay. Mukhang may napili na siya, 'yon ay labanan niya ako. Napangiwi siya, animo'y wala na siyang magagawa pa. Naglabas ng itim na apoy ang nilahad niyang palad. Kailangan ko siyang mahawakan agad dahil pabalik na ang Fvyagi sa direksyon namin! Kaya naman muli ako nagteleport sa mismong harap niya. Walang kaundangan na hinawakan ko ang kaniyang kwelyo at buong pwersa ko siyang itinapon sa malayo. Hindi pa ako nasiyahan, talagang hinabol ko pa ito so I can give him a final blow!

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon