LABING APAT

29.7K 449 50
                                    


Chapter 14


We didn't do anything. We just let the night passed and sleep.

Hindi naman sa wala ako sa mood or siya, hindi lang talaga ako nagpadala sa tawag ng aking laman. Masarap naman siyang kasama with or without sex.

Maaga akong nagising at agad na bumaba para magprepare ng breakfast. Siya na kasi ang naghanda  kagabi, kaya ako naman ngayon. I'm not good at cooking pero I'll try.

Pagkababa ko wala pa si Aiko kaya nagkaroon ako ng oras para makapagluto. We also didn't share room. Doon ko siya pinatulog sa guest room at ako naman sa kwarto ko. Kaya hindi ko alam kung natutulog pa ba siya o nagpapalipas ng oras sa higaan.

Nagluto lang ako ng hotdog, egg, bacon, and fried rice. Usual and easy to cook breakfast. May bread and butter din ako kaya ayos na 'yon para sa umagahan ko, sasamahan ko na lang ng coffee. I don't eat rice in the morning.

“Goodmorning, Eve!”

Napaligon ako sa gulat kay Aiko. Sino pa ba ang tatawag sa akin ng Eve? At siya rin lang naman ang kasama ko dito sa bahay kaya hindi ako magkakamali na si Aiko 'yon.

Bumaba ang tingin ko sa katawan niya. He's wearing my white pajama and nothing at the top. Nakikita ko tuloy ang katawan niyang puwede nang pang-umagahan.

“Sarap?” he chuckled.

Napaangat ako nang tingin at nakita ang nang-aasar niyang ngisi. Umiling ako at inirapan siya.

“Kumain ka na, bago pa kita kainin---” natigilan ako at nagulat sa lumalabas sa sarili kong bibig.

“What? I can't hear you, Eve...” pang-aasar pa niya bago ko narining ang mga yabag niya palapit sa akin.

Mariin akong napapikit at magpapalusot pa sana nang naramdaman kong nasa likod ko na siya. Mabigat ang bawat paghinga niya na rinig na rinig ko.

“Kainin mo na lang kaya ako?” he said softly as I feel his breathe on my ears.

He's too close.

Hindi tuloy ako makagalaw sa takot na may magawa akong hindi ko na mapipigilan. Mahirap pa namang tanggihan ang taong 'to.

“Breakfast in bed?” panunuya pa niya nang hindi umaalis sa kan'yang puwesto.

I bit my lower lip and look for an escape plan. Hindi ako dapat magpadala sa ginagawa niya. I need to control myself for the meantime.

I need to do something.

Huminga muna ako nang malalim bago ko napagpasyahan na sikuhin na lamang siya para makalayo. Hindi naman siguro siya masasaktan doon.

Nagulat ako nang imbis na masiko ko siya, hinawakan niya ang braso ko at saka niya ako hinarap sa kan'ya.

Napaurong ako at napahawak sa upuan nang mas lumapit pa siya sa akin. He's just an inch away.

“Goin' wild? I like that.” He smirked and move closer to me.

Lumayo naman ako ng konti at tinikom ang aking bibig at nagpigil na huminga. Hindi pa ako nag-to-toothbrush. Pero bakit siya? Ang bango pa rin ng bibig niya.

Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin ngayong araw. Mali siguro ang nahigaan kong side kaya ako nagkakaganito.

Nakipagtitigan lang ako kay Aiko, hanggang sa nakaramdam ako nang kung ano at agad ko siyang tinulak. Nasusuka ako.

Napahawak ako sa aking bibig at tumakbo sa kitchen.

“Eve? What's wrong?” rinig kong tanong ni Aiko na nakasunod na pala sa akin. “Mabaho ba hininga ko?” tanong pa niya.

✔ || Midnight Mask Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon