CHAPTER 21

63.3K 1.9K 2K
                                    



Kinabukasan maaga akong gumising para maghanda ng agahan. Mahimbing parin ang tulog ni Maureen na sinamahan pa ng munting hilik. Masuyo kong inayos ang comforter sa ibabaw niya saka bumangon at naghilamos bago pumunta sa kusina.

Magluluto na sana ako ng agahan nang maalala kong sosyal pala ang tiyan nitong si Maureen, for sure hindi siya kumakain netong mga delata o kaya instant noodles. Nagpasya nalang akong mag-grocery saglit sa pinakamalapit na grocery store sa labas ng R.Homes. Walking distance lang yung grocery store kaya nilakad ko na. Pagdating ko, iniwan ko yung bag ko sa baggage counter saka tinungo ang meat section.

After makapili at ma-ilagay sa basket ang mga binili kong bacon at sausages, tinungo ko naman yung shelve para bilhin yung Cereal Oats na paborito ni Maureen. Nalaman kong ito yung fave niya kasi sa tuwing nag-duduty ako sa opisina ng bahay niya, nakita ko ang laman ng kanyang ref. Puro premium quality lahat ng brand ng pagkain. Jusko, ang high maintenance niya talaga. Kung kami lang din naman magkatuluyan in the future mukhang kailangan kong magsumikap magtrabaho para mai-provide sakanya lahat ng mga nakasanayan niya.

Inilagay ko ang Cereal Oats sa basket at palakad na sana para bumili din ng fresh milk nang makita ko ang isang babaeng pilit inabot ang Cereal box sa mataas na bahagi ng shelve.

I have no intentions of helping her pero dahil mabait ako ay inabot ko ito para sa kanya.

"Omg thank you." tumingala sakin ang babae at matamis na ngumiti. "I appreciate the help, thanks cutie."

"Walang anuman." sagot ko saka ito nilampasan at tinungo ang chiller para kunin ang fresh milk bago tinungo ang cashier.

"Good morning, ma'am." bati ng cashier sakin. Isa-isa nitong ini-scan ang mga pinili ko bago ipinakita ang total. "Eight hundred fifty-five po lahat."

Akma ko na sanang bayaran ang mga ito nang hindi ko makapa yung wallet ko. Tsk, naiwan ko pala sa loob ng bag.

"Ate saglit lang ha kukunin ko lang yung wallet ko sa bag, nasa baggage counter e."

"I'll pay for it." rinig kong sabi ng babae sa likuran ko. Kunot-noong nilingon ko ito at nagulat nang makilalang siya yung babaeng tinulungan ko kani-kanina lang.

"Naku miss huwag na kukunin ko lang yung wallet ko saglit." sabi ko saka tinignan ang cashier. "I'll be right back." dali-dali kong tinungo ang baggage counter saka kinuha ang wallet sa loob ng bag ko. Pagbalik ko, naka-paperbag na yung pinamili ko at may resibo na.

"Okay na po yan ma'am." sabi sakin ng cashier. "Binayaran na po ni madam." itinuro nito ang babae.

I glance at the woman. "Magkano po ba lahat, miss? Babayaran kita."

"Oh no need, cutie. Just think of it as my thank you for helping me getting this Cereal."

"H-ha? pero nakakahiya naman po."

The woman smiled at me. "Don't be. If it wasn't for you, I won't be able to get this." she pointed the cereal box.

"Sure ka?" medyo nag-hesitate ako.

The woman just nodded and winked playfully at me.

"Sige.....salamat kung ganon." kinuha ko na yung paperbag saka lumabas ng grocery store. Nagpasya akong mag-abang ng masasakyan pauwi dahil medyo umaambon na at baka mabasa 'tong mga pinamili ko.

Tahimik akong naghihintay nang biglang may nagsalita.

"Going home?"

Napalingon ako bandang kanan ko at muling nakita ang babae kanina sa loob.

"Uhm oo." sagot ko.

"I'll give you a lift, saan ka ba nakatira?"

"Ah sa R.Tower Condominium pero huwag na po, okay lang ako dito."

A Taste of Bliss (ɢxɢ) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon