Not all ends with happily ever after.

10 5 0
                                    


Iba't-ibang tao ang nakakasalamuha natin araw-araw. Hugis at hulma ay magkaiba, matang nagkasalubong ngunit hindi magkakilala. Hinahanap ang bubuo sa kulang. Ngunit paano at kailan?. Kung may dadating man dalawa lamang ang pwedi niyang gampanan, siya ang bubuo o ang mag wawasak ng tuloyan.


Calm sea, Clear sky beautifully meet on the horizon. Wind trembling within, taking my soul into the atmosphere. Waiting for the sun to officially set, the Blue sky will turn orange, yellow, pink, and purple.


"Ate kain na daw sabi ni mama."

"Ok, susunod na ako." Tanging tugon ko, saka tiniklop ang laptop bago lumabas.


Umupo na ako at nagsimula naman silang magkwentuhan. Hindi ako masyadong masalita. I prefer to listen than to talk. I'll speak when if needed. Kakasabi ko lang, nasa akin na agad ang spotlight.


"Ouhh Zain how's your story? Tapos na ba?" My mom ask that made me halt for a moment.


"Hindi pa po ma, pero I'm working on for last three chapters."


"Good, kailangan mo na yan maipasa sa publishing house before this month end. At huwag mong kalinutan ang special chapter."


"Sigurado akong bestselling yan, Zain." My big sister cheer. "At ako ang una-unang bibili ng hardbound mo."


"Sos! Apaka plastic si Forbi-"


"Forsival" agap ko, mukha kasi siyang nahihirapan sa pagsambit.


"For-si-val lang naman ang habol ni Ate Zue. Yieeeeeee mukahang may mag-aagawan ng boyfriend" panunuksok ni Ziff. Bunso naming kapatid.


"Eh! ano naman Ziff Davis kung si Forsi ang rason kung bakit ako bibili? Huh!! And besides gawa rin 'yon ni Zain. Support yun, eh ikaw?."


"I'll buy hundreds of copies too" biglang sabat ni Papa nakakadating lang.


Nagsitayo kaming tatlo para salabungin si Papa. Gabi na siyang umuuwi dahil sa trabaho at traffic kaya medyo late narin kami kumakain para hintayin siya, pero minsan nauuna na kami sa kaniya. Editor in chief si Papa sang isang sikat na magazine company si mama naman ay nagtratrabaho sa publishing house kung saan ko ipapublish ang isinusulat ko ngayon.


"Anak Zain, gawan mo namang flaws si Forsival. Nawawalan na ng pag-asa ang mga kalalakihan dahil sa standard na nilagay mo. Lalo na sa mga babaing makakabasa niyan ng libro mo." Sabi ni Papa habang hinuhubad ang kaniyang sapatos bago tuluyang nakapasok.


"Papa, ano kaba!. We all know naman na 'yan talaga ang mga gusto ni Zain sa isang lalaki. Ewan ko lang talaga kung magkaka boyfriend yan dahil sa "almost perfect" na ang hinahanap." Si Ate Zue.


"Oo nga naman Zain tatada kang talaga niyan" biglang tugon ni Mama mula sa kusina.


"Edi tatandang dalaga!, If there's no one could reached my standard that I've set na alam ko namang deserve ko... Edi! Wala. I won't lower my standard dahil lang sa lahat may karelasyon na. I'm not desperate tho, it will end up into toxic relationship. At ayaw ko nang ganon, hindi naman ako naghahanap ng perpekto talaga, katulad lang ni Forsival kahit hindi na gwapo."

Killed Offscreen | 0ne-Shot StoryOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz