Kabanata XCVII

11.1K 732 1.3K
                                    

- ERYX -

"Maraming salamat sa tulong mo, Prinsipe Eryx. Kung hindi ka marahil nagbigay ng pahayag patungkol sa kapatid ko ay baka nakulong na siya ngayon dito." Sinserong saad ni Adelrick kay Eryx at nagbigay pa ito ng isang magalang na yuko bilang pasasalamat. 

Mabilis naman itong pinigilan ni Eryx saka nahihiyang tumango-tango. 

"Hindi mo kailangan magpasalamat sa akin, Prinsipe Adelrick. Ginawa ko lang ang nararapat." Kaswal niya rin na tugon kahit pa alam ng lahat na bahagya rin siyang nahirapan kumbinsihin ang hari na hindi na bigyang parusa si Prinsesa Eliana sa ginawa nito sa paborito niyang asawa. 

Hindi rin kasi sapat ang otoridad ni Zephyr upang labanan ang desisyon ng hari ng Umoewin pagka't hindi pa naman namamana ng kanyang kaibigan ang trono mismo kaya ang pinakahuling desisyon ay magmumula pa rin kay haring Zacharias. Pero bukod sa paggamit niya ng kanyang otoridad ay may isa pa siyang ipinagtataka sa naging desisyon ng hari patungkol sa kaso ni Prinsesa Eliana. 

"Prinsipe Adelrick, maaari ko bang malaman kung kilala ni Haring Zacharias si Prinsesa Eliana?" Magalang niyang tanong sa pinakamatanda sa magkakapatid na mga Agrigent. 

Sandali naman hindi nakasagot si Prinsipe Adelrick pagka't maging siya ay hindi malaman ang kasagutan dito. Halata sa dalawang prinsipe ang kalituhan kung bakit nga ba tila maaaninag ang pagkakakilanlan sa mga mata ng hari ng banggitin nila ang patungkol kay Prinsesa Eliana. 

"Ang totoo nyan ay hindi ko rin sigurado kung magkakilala nga ang aking kapatid at ang hari ng Umoewin. Pero sa pagkakaalam ko ay impossible naman mangyari na nagkita na sila noon dahil hindi pinahihintulutan ang mga kapatid kong babae na lumabas ng kaharian hangga't hindi pa sila nakapapasok sa akademya." Sinserong paliwanag nito habang nananatili pa rin nag-iisip at naghahanap din ng kasagutan. 

Mas lalo naman umusbong ang pagtataka kay Eryx dahil sa narinig pagka't kilala niya ang hari ng Umoewin sa pagiging strikto, walang pinalalampas na pagkakamali, at mas lalong hindi ito basta-basta tumatapos ng isyu hangga't hindi napaparusahan ang may kasalanan. Bagama't masaya si Eryx na hindi malalagay sa kapahamakan si Prinsesa Eliana ay hindi naman niya magawang makampante lalo na at tingin niya ay tila ba pagkukulang sa mga nangyayari. 

"Huwag ka na mabagabag pa, Prinsipe Eryx. Itatanong ko na lamang ito sa aming ama upang malaman ko rin ang kasagutan. Kailangan ko rin maghanda kung sakaling may iba pang hihilingin ang kaharian ng Umoewin dahil hindi naman lingid sa aking kaalaman na sa pulitika, lahat ng bagay ay may kapalit." Makahulugan na pahayag ni Adelrick habang bigla na lamang din nagseryoso ang ekspresyon nito. 

Alam din naman ni Eryx na pagdating sa kanyang mga kapatid ay gagawin talaga ni Prinsipe Adelrick ang lahat maprotektahan lamang sila - isang katangian na labis talaga niyang ikinamamangha sa susunod na hari ng Cymopoleia. 

"Kuya Adelrick, kumusta si Eliana?" 

Sabay naman napalingon ang dalawang binata sa dalagang humahangos na lumapit sa kanilang dalawa na walang iba kundi si Prinsesa Ellionoir. Bakas sa hitsura nito ang pag-aalala at ang bahagyang pagod marahil ay sinubukan nitong hanapin ang kanyang nakababatang kapatid. 

Nang tuluyan itong makalapit sa kanila ay bahagya pa itong nagulat nang makita si Eryx kaya dali-dali rin yumuko ang dalaga bilang pagbibigay-galang. 

"Ah! Magandang gabi, Prinsipe Eryx. Hindi ko po alam na magkasama pala kayo ni Prinsipe Adelrick." Magalang na bati nito sa kanya at balak na sana siyang awatin ni Eryx sa pagyuko nang sunod-sunod naman dumating ang ilan pa nilang kaibigan. 

Nangunguna sa mga ito ang humahangos na kaibigan ni Prinsesa Eliana na sa pagkakatanda ni Eryx ay si Binibining Aera kasunod naman sina Prinsesa Mishal, Prinsesa Saena, at Prinsesa Keia. Maging sina Aspen, Aidan, at Doktor Aeson ay nandito na rin kasama ang kapatid din ni Binibining Aera, ang prinsesa ng tribong 

Reincarnated as the Seventh Princess (Book 2/3) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon