Chapter Eleven

1K 22 0
                                    

"Ahmya . . ." Papasok na sana ako nang tawagin ako ni Kyler na humahangos papalapit sa akin.

Hindi pa man ako nakakapagsalita ay niyakap niya na ako nang mahigpit nang makalapit siya. Napabuntonghininga na lang ako.

"I heard what happened."

Heard? From who?

Mabagal akong tumango. "Ayos lang ako, h'wag kang mag-alala."

He shook his head. "No, Ahmya. I can't act like everything is fine with you when obviously, you are not really okay," he uttered. "What happened to you is unacceptable."

"Nangyari na, e. Wala na tayong magagawa. Nasaktan na naman ako ng mga magulang ko. Sanay na ako, Kyler. Sa ilang beses na nilang ginawa ito, pisikal na lang ang nasasaktan nila . . . pero ang damdamin ko? Nasasaktan pa rin naman pero tanggap ko na."

Lumungkot ang mga mata niya, nag-iwas ako ng tingin saka natawa na lang nang mahina. Awang-awa na ako sa sarili ko at sa tuwing nakikita kong naaawa rin ang ibang tao sa akin, mas lalo kong iniisip na nakakaawa ako.

"Pumasok ka na . . ." Binalik ko ang tingin ko sa kaniya. "Saka na lang siguro tayo mag-usap, kapag ayos na ako."

"When will you be okay?"

I shrugged. Kahit ako ay hindi ko alam kung kailan pero hindi pa naman ako nawawalan ng pag-asa na darating ang araw na iyon.

Hinalikan niya ako sa noo saka ako binigyan ng isang ngiti, ngiti na nagsasabing magiging maayos din ang lahat . . . sana nga.

Papasok na sana ako nang hinarang ako nila Krizza, nakataas ang kilay niya sa akin saka nagkrus ng mga braso sa dibdib.

"Saan ka kumukuha ng kapal ng mukha at lakas ng loob na pagkatapos mong makipagyakapan sa ibang lalaki ay aakto ka sa harap ni Kyler na parang wala kang ginawang mali?" tanong niya sa akin.

Napasinghap ako. "Wala akong oras para makipagtalo sa mga katulad ninyong makikitid ang utak," sabi ko saka binangga siya at pumasok sa loob.

Narinig ko pa siyang nagsalita pero hindi ko na pinansin. Alam kong si Khaos ang tinutukoy nilang ibang lalaki, marahil ay nakita nila kami kanina. Iba ang nagyayakapan sa niyakap. Pagkakaiba na lamang ng dalawang iyon ay hindi pa nila alam. Nakakaawa sila.

We're not doing anything bad. Ang problema sa mga tao ngayon ay mahilig silang maglagay ng malisya sa lahat ng makita nila kahit na wala naman talaga.

Mga utak na madudumi ngunit walang laman. Ang daming sinasabi pero wala namang kwenta.

Why don't they know every side of the story before judging? Sana alamin muna nila lahat bago sila magsalita.

Napakahipokrito ng mga taong nagsasabi na huwag magiging mapanghusga ng kapwa dahil kasalanan iyon pero makarinig lang ng kuwento na galing kung saan ay marami na agad silang nasasabi kahit hindi pa naman nila alam ang maaaring tunay na kuwento.

Napakahipokrito rin ng mga tao na ang lakas mangaral na huwag gagawin ang ganito o ganiyan pero sila mismo ay hindi kayang pangaralan ang sarili.

Katulad ng mga magulang ko, naiintindihan ko na hindi tamang saktan ko ang kapatid ko pero bakit ginawa rin nila sa akin iyon? Parte ba iyon ng pangaral nila?

Hindi ko sila kailanman maiintindihan.

"Anong sinabi nila?" tanong ni Khaos nang maupo ako sa tabi niya. "Kung ano man ang sinabi niya o nila, huwag mo na lang pakinggan. Alam mo naman sa sarili mo kung ano ang totoo at hindi mo kailangan at hindi mo obligasyon na magpaliwanag. Wala rin naman silang ibang paniniwalaan kundi ang mga sarili lang din naman nila."

Flee from Sorrows (Affliction Series#5)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon