KABANATA 36

4.9K 347 48
                                    

Maaga akong nagising lalo na at hindi ako nakatulog ng mabuti kagabi. Namumugto ang mga mata ko sa kakaisip at kakaiyak kung napano na si lola. Saan siya pumunta?

Sobra akong nag aalala. Naalala ko noon ang mga panahon na nag 18th birthday ako sa mansyon ng mga Septimo. Isang taon ang tiniis ko na hindi makita si lola tapos malalaman ko na ganito?

Nilibot ko ang tingin sa paligid ng condo unit na ngayon ay akin. Sa tanang' buhay ko hindi ako aakalain na magkakaroon ako. Sa katunayan niyan ay mas gusto ko ang dating pamumuhay ko.

Iyong sa baryo lang. Alas singko, gising na kami at umiinom na ako ng gatas habang nagsasaing. Naiinitan ang katawan dahil sa panggatong na nasa harapan. Malamig ang simoy ng hangin sa amin dahil sa payak at kahoy lang yari ang aming bahay. Hindi man kami nakakain ng masasarap na pagkain pero marami kaming gulay sa likod ng bahay.

Dumaloy ang aking luha maalala ang pagkamatay ni lolo. Ang unti unting pagkasira ng pamumuhay ng mga mangyan. Ngunit...andoon palagi si Frosto at handang tumulong sa amin. Kahit na wala na ako sa baryo ay patuloy pa rin siyang tumutulong. Ang iba ay kanyang ginayak upang doon magtrabaho sa pinapagawa niyang subdivision doon sa Mindoro.

Ngayong araw ay hindi ko pa alam ang gagawin. Enrol na ako. Wala na akong iisipin pa kundi ang pagpasok pagdating ng araw ng klase.

Kinuha pala kahapon ni Austin ang cellphone number ko para anytime raw ay kanya akong matatawagan.

Lumabas ako ng kwarto at buti nalang may natutunan ako sa mansyon ng mga Septimo kung paano gamitin ang mga pang luto nila.

Pag bukas ko ng ref ay nagulat ako sa dami nang laman nito!

"Wow!" nasiyahan ako dahil sa dami niyon at di na ako gugutumin kahit isang buwan pa!

Nagluto ako ng hotdog at itlog. May kinuha ako sa ref na gatas at iyon ang ininom ko.

Habang nasa mesa ako ay biglang may tumawag sa cellphone ko.

"Hello Austin?"

Hindi siya sumagot ng ilang saglit.

"Good morning Austin... Andiyan kapa ba?"

Mabibigat na hininga ang narinig ko at biglang dalawang boses ng lalaki ang sumunod.

Nangunot ang aking noo. May kasama si Austin? Sino kaya?

"Good morning Sol. Sorry. May nang agaw lang ng cellphone ko. By the way, nandiyan na ba ang katulong mo?"

"Hm, wala pa Austin. Baka mamaya pa. Tsaka nakaluto naman ako at nakakain na."

"Fuck!"

May narinig akong nagmura sa linya ni Austin. Tumawa ng malakas si Austin.

"Alright, pupuntahan kita diyan mamaya. I mean, nandito mamaya sa Maynila sila Don Septimo. May dinner tayo at susunduin kita diyan."


Ang weird naman ng lalaking kausap ni Austin pero ang tibok ng puso ko biglang bumilis.

Isinantabi ko ngayong araw ang lahat na problema. Itinuon ko ang pansin sa gagawin ko dito sa condo. Wala naman akong lilinisin dahil sa linis na ang lahat dito.

Nilagay ko nalang ang mga gamit sa malaking aparador. Konti lang ang dala ko na damit.

Nasa kalagitnaan ako ng paglilinis ng maramdaman ang sakit ng puson at may kung ano akong naramdaman.

Nasapo ko ang bibig at naghanap ng napkin sa bag ko pero wala akong makita!


"Hala..Meron ako."

Unang Halik Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon