BMDN Chapter 5

115K 3.3K 436
                                    

"Ate, hind ka pa pwedeng mamatay! Hindi mo pa nararanasan ang sarap na makatikim ng lalaki! Huhuhu. Bumangon ka dyan at mag hahanap tayo ng makaka one night stand mo bago ka man lang nahimlay ay nakatikim ka ng lalaki! Hindi ka pwedeng mamatay na virgin Ate Nina!"

Nagising ang diwa ko ng makarinig ako ng iyak. At base sa pag palahaw nya at malalaswang sinasabi ay masasabi kong si Cc iyon.

Unti-unti kong dinilat ang mata ko kahit na ang bigat pa nito. Hindi pa okay ang pakiramdam ko nang lalambot ako at nasisiguro kong hindi ko pa kayang mag trabaho.

Sumalubong sakin ang kulay puting paligid. Teka asan nga ba ako?

"Cc, asan tayo?" Tanong ko Cc

"Ohmygod! Ate may Amnesia ka?" Gulat na tanong nya. Nakasuot pa sya ng nighties na sinusuot nya bago matulog.

"Kung may amnesia ako tingin mo alam ko ang pangalan mo?" Pilosopong tanong ko

"Ai, oo nga ano? Teka nga alam mo bang ala-lang alala kami sayo kagabi? Anong oras na pero hindi kapa umuuwi. Tapos nakatanggap kami ng tawag na nandito ka sa ospital. Alam ko kasi Ate Nina, uso ang mag pahinga. Papatayin mo ba ang sarili mo? Sino kaba sa tingin mo? Si Super Woman? Barker sa madaling araw, janitress sa umaga, waitress sa hapon, tapos diswasher sa gabi. Aba ikaw na!" Sermon nya. Naka pamaywang pa sya habang nag sasakita.

"Alan mo kasi hin-"

"Hindi ko naiintindihan? Na ano? Marami kang gastusin tulad ng renta sa bahay, sa tubig, sa kuryente, sa baon ng mga kapatid mo, sa bayad sa school , sa pag kain? Pero ate naisip mo ba? Pag nawala ka sino na ang mag aalaga sakanila? Pag nawala ka tingin mo anong mararamdaman nila? Huwag mong abusuhin masyado ang sarili mo, mas magiging kawawa ang mga kapatid mo pag nawala ka." Sabi nya.

Medyo tinamaan ako sa sinabi nya. Masyado kong inaabuso ang katawan ko kaya ito ang nangyari. Inalalayan nya akong umupo.

"Sige, mag reresign na ako sa pang gabi kong trabaho. Tawagin mo na ang doctor at lalabas na ko. Baka lumaki pa ang gastusin natin dito at wala tayong pang bili ng pagkain sa isang buwan" sabi ko kay Cc

Tumayo sya para sumunod sa sinabi ko.

" OMG! Damon Salvator is that you?" Tili nya.

"Cc ano ba-"

"Hindi ka pa pwedeng lumabas" sabi ng Daddy ni Kisza

"Oo sige hindi ako lalabas. Dito lang ako sa tabi mo kung iyan ang gusto mo" sabi ni Cc at dumikit pa sa Daddy ni Kisza

Nakita kong nag igting ang panga ng lalaki at nag salubong ang kilay habang nakatingin kay Cc, kaya napahiwalay ang bakla.

"Ah, ate Nina. Bibili lang kita ng food sa baba. Bye Damon Salvator" sabi nya at kumaway sa Daddy ni Kisza.

Salubong parin ang kilay nya hanggang sa makaalis si Cc. Mukhang ayaw nya ang presensya ni Cc. Natahimik ako, hindi ko alam kung ano ang ginagawa nya dito.

Umupo sya sa sofa na nasa loob ng kwarto. May sofa ba ang bawat kwarto sa ospital? May TV, Rep at, naka Aircon ang kwarto ko. Hindi ba sa mga private lang iyon? Hindi kaya nasa private room ako?

"Narinig ko na apat ang trabaho mo sa isang araw" biglang sabi nya saka nag dekwatro ng upo. Nag iwas ako ng tingin

"Ang sabi ng Doctor. Over fatigue ka at anemic kaya kailangan mong salinan ng dugo. Kailangan mo rin maconfine ng mga ilang araw pa, dahil mahina ang resestensya mo." Sabi nito.

"Okay na ho ako. Kaya ko na, pwede na po akong lumabas." Sabi ko na hindi makatingin sakanya. Sya ba ang nag dala sakin dito?

"Matanong ko lang. May pambayad kaba?" Tanong nya.

Become My Daughter's NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon