Chapter 21

3.1K 141 7
                                    

Chapter 21. Hope



"Good morning..."



Kinaumagahan ay gumising ako na nasa isang bisig na. I woke up with a greet from Treice using his husky voice. Bumangon ako at kinusot ang mga mata ko. Bumungad sa akin ang maamong mukha ni Treice na may ngiti sa kaniyang labi.



My heart suddenly shattered when our eyes met. Mabilis akong umiwas ng tingin dahil tila napapaso ako sa kaniyang mainit na titig. I really hate this feeling. Sa bawat titig ko sa kaniya ay humahuramentado ang buong sistema ko. Sa titig niya pa lang ay parang nalulusaw na ako. Sa bawat haplos niya ay tila kinukuryente ako.



Tang ina! Normal pa ba ito?



"Let's get off on bed, baby. May trabaho pa pala ako ngayon." he broke the silence and reached his cellphone on the bedside table. "Ikaw? Wala ka bang trabaho ngayon?" he even made a topic.



I straightened on my seat and forced a smile before I nodded my head. "Yup, may trabaho ako ngayon. But I am not sure kung papasok ako kasi may usapan kami ni mommy."



"Usapan?" He looks astonished. "Anong usapan n'yo?" dugtong pa niya.



"Basta, mahabang usapan." I briefly responded.



He sighed. "Maris... Please act normal. You're being cold to me. Ang ikli mo kung sumagot at... parang wala kang ganang kausapin ako."



"Because you are forcing me, Treice. I asked you to give me a day pero hindi mo ginawa. You're full of yourself, feeling mo kasi ay lahat ng babae na nakakasalamuha mo ay gusto ka na kaagad." I harshly told him.



He went silent and just looked at me. Bumuntong-hininga ako bago bumaba sa kama at walang pasubaling na pumihit patalikod sa kaniya. Lumabas ako sa silid at hindi na nakinig sa sasabihin niya pa. Bumuga pa ako ng marahas na hininga bago nagpatuloy.



Nang makarating sa sala ay umupo ako sa couch at napahikab pa dahil ramdam kong parang inaantok pa rin ako. Sumandal ako sa backrest at kusang dumako ang aking tingin sa isang tabi. Napaawang ang bibig ko nang makita ang malawak na ngiti sa labi ni mommy habang may kausap siyang hindi pamilyar na lalaki.



Tiningnan ko ang mga mata ni mommy at nakikita ko roon ang totoong saya na hindi ko nakita sa tuwing kasama niya si daddy. It broke me but a half of mine felt relieved. Hindi ko kasi inaasahan na may iba pa lang lalaking mahal si mommy.



The guy doesn't seems like a bad person. Sa mga mata ng lalaki ay nakikita ko rin na masaya siya at natutuwa habang kausap niya si mommy.



Gumaan ang pakiramdam ko habang pinagmamasdan silang dalawa na tila walang pakialam sa paligid, tila sila lang dalawa ang nandito. Both of them are really that ecstatic. Knowing my mother's love of life was the exhilarated I ever felt. Nakatutuwa pala na makitang masaya ang ina sa lalaking mahal niya talaga.



"S-Steris?"



I smiled when I heard my mother uttered my name. Tumayo ako at humarap sa kanilang dalawa ng lalaking kasama niya. The guy just looked at me, trying to read what's on my mind.



"Hello," I greeted him.



"Hi..." He nodded his head and smiled. "Giordano Salvador." Nag-abot siya ng kamay matapos niyang ipakilala sa akin ang buong pangalan niya.



Nakipagkamayan ako sa kaniya. "Stella Maris Laurent, mr. Salvador. Masaya ako ngayon dahil sa wakas ay nagkita na tayo."



"I am happy to meet you, too, miss Laurent."



Taming A Beast (Passion Series #1)Where stories live. Discover now