Kabanata 15

20.8K 1.1K 325
                                    

Kabanata 15

Mine

Napakamot ako sa ulo nang makitang sunog na naman ang pancake na ginawa ko. Hugis puso pa ito para magmukhang espesyal pero dahil sa kulay itim na ang ilalim ay ordinaryo na lang ang itsura niya.

“Hindi na bale. Itatago ko na lang ang ilalim para hindi niya makita. Dadamihan ko na lang rin ang butter at syrup para hindi niya malasahan ang pait.” bulong ko sa sarili, nangingiti.

“Juskong mahabagin, Isha! Ano’ng nangyari sa kusina natin?!”

Mabilis akong napalingon sa likuran nang marinig ang histerikal na boses ni auntie. Itinuon ko ang mga mata sa lababo. Nagkalat ang harina doon. Iyong ready to cook pancake sana ang gagamitin ko pero naisip kong iyong natural na ingredients ang gagamitin ko para with effort.

“Aayusin ko na lang po mamaya pagbalik ko, auntie.”

Mula sa kawali ay sinandok ko ang pancake. Ililipat ko na sana ito sa plato pero hindi sinasadyang nahulog ito sa gilid ng kalan. Mabilis ko itong dinampot gamit ang kamay at inilagay sa plato.

“Okay lang ‘yan. Five minute rule.”

Hinarap ko si auntie. Nakangiwi ito sa akin. Sinagot ko siya ng ngiti. Umiling lang siya na para bang hindi niya naiintindihan ang ginagawa ko.

“Maaga ako nagising, auntie. Nagluto ako ng pancakes.”

Tumango siya. “Nakikita ko nga. Siya halika at kainin na natin ‘yan-”

“Ay, auntie! Hindi ito para sa atin. Bumili ako ng pandesal diyan. Iyon po ang almusal natin.”

Nalukot ang mukha niya. “Para kanino ang mga ‘yan? Hugis puso pa!”

Ngumiti akong muli at kinuha na ang plato na naglalaman ng pancakes.

“Para ito kay Nero, auntie. Dadalhan ko siya dahil baka hindi pa siya nag-aalmusal,” nasasabik na sabi ko. “Mauna na po kayo kumain. Mamaya na lang po ako.”

Hindi ko na siya hinintay pang magsalita. Naglakad na ako palabas ng bahay, ang mga mata ay nasa direksyon kaagad ng bahay nina Nero.

Wala pa sina Nanay Martha ngayon kaya naman sasamantalahin ko na. Kapag nariyan na sila ay mahihiya na akong puntahan si Nero.

“Gising na kaya siya?” tanong ko sa sarili habang nakatayo sa tapat ng gate nila.

Luminga ako sa paligid. Wala pa masiyadong tao sa labas dahil ala sais pa lang ng umaga. Siguradong nasa loob pa sila at nag-aalmusal. Mabuti iyon. Walang makakakita sa akin na maagang nangliligaw.

Mabilis akong napalingon sa bahay nila nang marinig ko ang pagbukas ng screen door nila. Lumabas doon si Nero, medyo gulo pa ang buhok na tila ba kababangon niya lang mula sa pagkakatulog.

Bahagya pang gusot ang puting plain t-shirt niya. Ganoon rin ang kulay gray na sweat pants niya.

Mukhang kakagising niya nga lang.

“Good morning!” nakangiting bati ko.

Tumaas ang gilid ng labi niya pagkakita sa akin. Bumaba siya ilang palalag na hagdan bago naglakad patungo sa gate.

“Nagluto ako ng pancakes. Baka gusto mo?”

Hindi siya sumagot. Binuksan niya ang gate at niluwagan ito. Pumasok ako bago siya hinintay na isara ulit ito. Hinarap niya ako pagkatapos.

“Maaga kang nagising?” tanong niya, napapaos pa ang boses.

Tumango ako. “Maaga ko rin itong iniluto.”

Monasterio Series #6: Trapped in Her Arms Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon