CHAPTER 23

51.3K 1.9K 1.5K
                                    

Gail


Ilang araw ng hindi nagpaparamdam sa'kin si Maureen, hindi ko siya nakikita sa bahay niya sa tuwing nagduduty ako. I always wait for her to come home pero hindi siya umuuwi tulad 'nong mga nagdaang gabi. Hindi rin siya bumibisita sa condo bagay na ikinabahala ko. Sinubokan ko siyang kontakin pero palaging out of coverage yung linya niya. Inisip ko na baka busy lang talaga siya sa trabaho at ayaw magpa-destorbo, pero 'nong sinubokan ko siyang bisitahin sa kanyang opisina, sinabi lang sa'kin ng mga staff doon na ilang araw na daw siyang hindi pumapasok sa RIBC. I asked them where she was but they just told me that she's up to something really important that she didn't want to be disturb by anyone at the moment.

I respect her privacy kaya hindi na'ko kumulit pa.

Nandito ako ngayon sa mall para aliwin 'tong sarili ko. Ilang araw din akong nalulungkot dahil namimiss ko si Maureen. Daig ko pang broken hearted na nilalang dahil sa pangungulila sakanya, kulang na lang iiyak ako at magdrama.

Kasama ko si Rivah kanina pero agad din itong nagpaalam dahil may duty pa ito sa trabaho nito bilang part-time saleslady sa isang boutique dito sa mall. That's why i'm all alone now.

Nakapila ako ngayon sa ticket booth ng sinehan, nagpagdesisyonan kong manonood nalang ng palabas mag-isa. Patingin-tingin ako sa paligid nang biglang maagaw ng atensyon ko ang isang pamilyar na mukha mula sa di kalayuan. Huli na para makabawi ako ng tingin dahil nakita na ako nito. Oh Shit.

"Omg cutiepie!" it was Ivanka.

Run, Gail, run!!!

Umatras ako at akma na sanang aalis pero mabilis siyang nakalapit sa'kin at naglambitin sa braso ko.

"Gosh, I can't believe I see you again!" ang laki ng ngiti niya sabay kurot sa magkabilang pisngi ko. "I'm starting to think na baka destiny 'to, don't you think cutie?" isinandal niya ang kanyang ulo sa balikat ko at matamis na ngumiti "Wanna date me around?"

Ngumiwi ako at binawi ang braso ko. "Actually pauwi na'ko ngayon, mag gagabi na kasi."

Ivanka pouted and hugged my arms again. "But i just got here and i'm all by myself. Gusto ko sanang mag-shopping kaso busy lahat ng mga besties ko, pero ngayon at nandito ka na ikaw na lang ang isasama ko." hinila niya ako sa hanay ng mga luxury stores.

"Teka lang, teka lang." pigil ko sa kanya.

"What?"

"Kailangan ko ng umuwi, ayoko pang mamatay."

Nagsalubong pareho ang kilay ni Ivanka at over acting na suminghap. "Omg, may death threat ka ba?"

"Meron." seryosong sagot ko. "At iihawin, bibitayin at kakatayin niya ako ng buhay kapag makita niya tayong magkasama ngayon."

Halatang pinigilan ni Ivanka ang sarili niya na hindi matawa pero sa huli ay hindi niya kinaya, she laughed hard. Sa sobrang lakas ng tawa niya ay sinapak niya pa ang braso ko na para bang close kami sa isa't-isa.

"I know you're Maui's girl cutie and i honestly adore your loyalty towards her, pero huwag kang mag-alala dahil hindi niya naman tayo makikita na magkasama ngayon, you're just going to accompany me while i'm shopping."

Nagulat ako. Wait, ibig sabihin eto yung Ivanka na tinutukoy nila Maggie sa groupchat?

"Ikaw ba yung taga ibang bansang kaibigan nila Maureen?"

Ivanka confidently tossed her hair and made a model like pose. "And the prettiest friend they ever had as well, actually mga alagad ko lang talaga sila, they can never match my goddesss like beauty kaya tara let's go, samahan mo na'kong mag-shopping." hinila niya ulit ako papasok sa Chanel store. Isa-isa niyang kinuha ang mga naka-display na damit saka ito inilagay sa braso ko. Shutang babaeng 'to, gagawin pa yata akong utosan.

A Taste of Bliss (ɢxɢ) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon