Kabanata 28

14.3K 330 5
                                    

KABANATA 28 :: THOUGHTS

Sapo ko ang aking dibdib dahil sa pagkagulat.

Parang napapasong napahiwalay sa akin si Paul. Magkasing putla na kaming dalawa ngayon, ako ay natural siguradong siya ay hindi.

"Oh akala ko madami kang paperworks at online meeting? Bakit ka nandito?" takang tanong ko.

Hindi niya ako nilingon. Ang mga mata niyang naniningkit ay nakatuon lamang kay Paul na nasa malayong gilid ko.

"A-Ah sir sige po mauna na ako..." mahinang paalam ni Paul.

Sumenyas sa kanya si Paul at mabilis pa sa alas kwartong tumalilis siya palabas ng kusina.

"Kukuha lamang ako ng tubig," ani Kleindro at parang walang nangyaring dumiretso sa ref.

Kumunot ang noo ko dahil sa aking pagkakatanda ay mayroong mini ref at water dispenser sa kanyang opisina.

Nakahalukipkip ako habang pinapanood ko siyang uminom ng tubig. Siya rin ang naghugas ng basong ginamit at ibinalik iyon sa lalagyan matapos tuyuin.

"May meeting ako sa mga Canadian investors. May gagawin ka?"

Umiling ako agad.

Siguro matutulog na lang ulit ako sa duyan sa likod bahay.

"I might need a secretary with me, wanna come?"

Nanlaki ang mata ko bigla dahil nag echo sa akin ang sinabi ni Paul.

Daks...

Cum?

"Vanilla?" untag niya.

Napakurap-kurap ako at agad na ngumisi para pagtakpan ang aking kahihiyan.

Come not cum shuta.

"Ah... Sige. Ano nga ulit?"

I caught him roll eyes on me and shrug.

Nakailang baso na ako ng juice na binitbit lang dito ng isang bodyguard kanina ay hindi pa rin natatapos ang kung anong pinag-uusapan ni Kleindro at ng kano sa laptop niya.

Maingat akong huwag gumawa ng kahit na anong ingay ngunit kaunting-kaunti na lamang ay mapapaalam na ako para manood ng sunset sa labas.

Nang mapasulyap sa akin si Kleindro ay tinaasan ko siya ng kilay. Mabilis siyang naglihis ng tingin at umiling-iling.

Bakit nga ba kase ako sumama dito? Akala kase fun ang maging secretary, eh wala naman akong ginawa kundi i-arrange ang mga proposal. Nagsama-sama kase ang napirmahan na niya at ang hindi pa.

Umilaw agad ang tuwa sa aking mukha ng sa wakas ay magpaalam siya sa kausap.

Tumayo agad siya at tinabihan ako sa mahabang couch sa kanyang opisina. Walang pakundangan niyang inihilig ang ulo sa balikat ko.

"Kleindro, ang init-init!"

Lumayo siya agad kasabay ng pagtuwid niya ay ang pagkudlit ng aking konsensya.

Argh...

Inalis ko ang mga papeles na nasa aking kandungan at inayos iyon sa maliit na coffee table sa harapan.

Si Kleindro ay nakapikit habang nakasandal, halata ang pagod sa kanyang mukha.

"Klein..." marahang tawag ko.

Binuksan niya ang isang mata ngunit hindi nagsalita.

"Come here," I tapped my lap. "I'll give you a head massage..."

Six Months Agreement with Mr. Arrogant (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon