Kabanata 30

15.7K 310 6
                                    

KABANATA 30 :: REMOTE CONTROL

Parang lumilipad ang utak ko habang papasok sa sasakyan sa parking lot ng mall. Naunang bumaba si Kleindro at siya ang nagbukas ng pintuan para sa akin.

Abot-abot ang kaba ko lalo pa at maya't-maya ay may lumilingon sa gawi naming dalawa, kalimitan ay napapatulala sa kanya o di kaya ay iniismiran ang kamay naming magkahawak.

Dalawang oras lamang kami sa mall dahil nabored ako sa arcade at nagyaya na ring umuwi.

Papasok pa lamang kami sa penthouse ay sumalubong na sa amin si Roy, nginitian ko siya. Tipid naman ang naging pagtango niya sa akin at dumirekta ang mata kay Kleindro.

"Sir, nandito po ang mga kaibigan mo. Pinadiretso ko po sa library gaya ng utos ninyo."

"Sige, susunod ako."

Gusto ko sanang magtanong kung bakit hindi na lang sa living room pero nakaalis na si Roy at iginiya na din ako ni Kleindro patungo sa kuwarto namin.

"Kakausapin ko lang muna sila," aniya.

Inihatid ko siya ng tanaw hanggang makalabas ng kuwarto.

Tumunog ang cellphone kong nasa loob ng aking clutch bag.

"Yeah?" salubong ko kay Dairene.

Ilang saglit pa matapos ang kaguluhan sa kabilang linya ay lumitaw ang mukha ni Dairene sa screen, nakasuot pa siya ng telang head band at nakaponytail ang mahabang buhok.

"Nag yo-yoga ka?"

Inikot niya ang mata sa kawalan at sinimangutan ako.

"Yan! Kase di ka nag oonline, hindi mo alam. I quit yoga! Ayoko na, sinama ako ni mommy sa zumba session nya," aniya at umupo sa sahig.

Dinig ko ang mahinang musika sa background niya.

"Bakit bigla kang nag zumba?"

"Bakit hindi kita macontact? Naku sinasabi ko sayong babae ka..."

Tumawa ako ng mahina.

"Para kang nanay na concerned-"

"Wait speaking of nanay! Problemado ang nanay mo! Ha! Deserve!"

"T-teka Dai, si Mama?"

"May iba ka pa bang nanay?"

Tukuyan na akong natigilan.

"Bakit? Anong nangyari?"

"Atticus called off the engagement with Mocha."

Parang pumintig pati ang tenga ko sa narinig ko.

"H-Ha? B-Bakit daw?"

Panay ang kalabog ng puso ko habang hinihintay ang sagot niya.

Hindi na sila ikakasal? Bakit? Paano? Atticus cheated on me for Mocha, I thought...

"Vanna... I heard he wants you back?"

"That's impossible!"

"And why is that? We all know he's in love with you and-"

"Pinagpalit nya ako kay Mocha! Imposible yang sinasabi mo at saka hindi papayag sina Mama..." At kasal na ako.

"Ano bang malay natin... Wag mong minamaliit ang sarili mo. You're way better than your evil sister."

Naibuga ko ang hangin na matagal kong pinigil.

"Kelan pa?"

"Nag leak kahapon, nag breakdown yata si Mocha sa bar. Sobrang kalasingan. Pero binayaran ang mga publications para hindi isapubliko, kahit maraming nakakita."

Six Months Agreement with Mr. Arrogant (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon