Kabanata 32

13.5K 360 21
                                    

KABANATA 32 :: FAMILY

Kinagat ko ang labi. Sa kabila ng tensyon, hindi ko maiwasang mapangiti lalo pa dahil awkward na tumawa si Auntie.

"Ah ganon ba? Congratulations then, dearest niece."

"Cousin!" dumiretso sa akin si Karina.

Ever since talagang hindi ko ka-close ang mga kamag-anak sa ano mang side ng pamilya. Lalo pa at sa Manila naman siya lumaki, hindi sa Baguio. Kung magkikita man kami ni Karina, hindi rin nakakapag-usap dahil kay Mocha naka focus ang lahat.

"Hi! Sorry hindi ako nakaattend sa engagement nyo ni Atticus, nasa Macau kase ako alam mo na bakasyon- Ma, ano ba?"

Maarte niyang hinawi ang kamay ni Auntie na nasa braso niya.

I chuckled. Gumaan na nang tuluyan ang pakiramdam ko.

"Ayos lang Karina, we called the engagement off," hinarap ko din si Uncle Milo. "Good evening, Uncle."

"Vanilla, good evening iha."

Nakipagkamayan siya sa akin at kay Kleindro habang ang mag-ina ay patuloy pa rin sa pagbubulungan.

Autie Kara excused them. Wala namang nagawa sina Uncle at Karina kundi magpahila sa kanya.

Nagkatinginan kami ni Kleindro at nginisian ang isa't-isa. Nakaalalay pa rin siya hanggang sa makarating kami sa aming designated seat, kasama ang kanyang mga kaibigan at ilan pang mga kilalang personalidad sa long table.

Kanya-kanyang batian at pagsalubong ang mga kaibigan ni Kleindro lalo na sina at Gem na nasa tabi ng kani-kanilang asawa.

"Girl, you look fab! Sinong gumawa ng gown mo?" tanong agad ni Inna.

Nakipagpalit pa silang dalawa ng upuan para pagitnaan ako. Wala namang nagawa si Kleindro kundi magpatianod sa mga nangyayari.

"I'm sure hindi papayag si Kleindro na basta-basta lang ang gown mo," pabulong na saad ni Gem saka sinulyapan ang mga lalaking nagtatawanan sa aming harapan.

"Ready made itong gown, gawa ni Andrea..."

Nanlaki ang mata nilang dalawa.

Gaya ko ay nakagown din. Kulay itim ang kay Inna at bright yellow naman ang kay Gem na hindi halatang kakapanganak lang. Gem retained her figure, mas lumaki pa nga ang kanyang balakang at dibdib dahil sa pagbe-breast feed.

"Andrea? Andrea Mecca?" tanong ni Gem habang niyuyugyog ang balikat ko.

Napangiwi ako dahil hindi ko pala alam ang apelido ni Andrea.

"Uh... Siguro?"

"O.M.G! Kaya naman pala!" patiling sambit ni Inna na kulang na lang ay yakapin ako.

"Gem that's my wife not a doll," seryosong singit ni Kleindro na kanina pa yata nanunuod.

"Okay fine," binitawan ako ni Gem pero hindi pa rin nilayuan matapos irapan si Kleindro. "You know what? Inna and I used to be Andrea's models kaya lang nung mag asawa ako at mag masters si Inna, tumigil na kami. Ikaw? I'm sure inalok ka nya..."

"She offered pero may panick attack ako eh, hindi ko kakayanin maging center of attention."

"Well that's okay. And I don't think Klein will let you," ani Inna.

Ngumisi ako.

Tumpak! Hinding-hindi talaga iyon papayag.

"So kamusta? Hindi na tayo nakapag-usap since you two went to Greece," si Inna.

Six Months Agreement with Mr. Arrogant (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon