Kabanata 34

13.6K 328 55
                                    

KABANATA 34 :: RUDE

Napakurap-kurap ako nang marinig ang aking pangalan mula sa nagsasalitang engineer sa harapan.

"Uhm..."

In the corner of my vision I saw some of the board members smirked as if expecting that I can't say anything relevant to their topic.

Nagkatinginan kami ni Kleindro, he was about to cover for me when I decided to speak up.

I glanced at the big screen in front and then shifted my seat to be more comfortable.

"Maganda ang design, modern and classic. Sa technicalities wala akong masasabi, I am not an engineer nor an architect but if I am a costumer I would go for the previous one. It is spacious, luxurious and very accommodating. It is child friendly, perfect sa magsisimula ng pamilya."

"Paano naman kung sa mga binata at dalagang costumer? Maraming mga anak mayaman ang pinipiling mag settle sa mga condo units natin. Hindi ba dapat iconsider din sila?"

My lips formed a grim line.

Ang matandang ito hindi talaga ako titigilan.

"Well, ma'am it's not my job to consider them because I'm not a part of the team. You're asking my thoughts that's why I gave it. I didn't told anyone that my opinion should matter."

Nanahimik ang buong conference room.

Ang matandang babae ay matiim na nakatitig sa akin ngunit nang mahuli ko ay agad na nag-iwas ng tingin matapos tumikhim.

Nang lingunin ko si Kleindro ay may isang multo ng ngiti sa kanyang labi.

"You did great," pabulong niyang saad.

I can't help but to smile too.

Damn that face. That's too handsome for a human being.

Nagtayuan ang mga tao sa silid. Saglit pa akong pasimpleng luminga para tingnan kung bakit pero napatuwid din ako agad nang tayo nang mapagsino iyon.

Tamad namang tumayo si Kleindro dahil sa kanya dumiretso ang ina. Harry moved away immediately.

Beside the old lady is a woman who was about six feet tall. Hindi ako ganoon katangkad at kahit nakasuot ng mataas na sapatos, kita ang kaibahan ng height namin.

"Klein... it's nice to see you here," she said sweetly.

She's wearing a black pant suit and a white sweetheart neckline shirt underneath. Her black hair is tied in a ponytail just like mine.

Ginaya niya ang ginawang paghalik ng ginang sa anak nito at saka ako nginitian.

"Hi! Vanilla, right? I'm Chelsea..."

"Hi..." I croaked.

I saw Mrs. Lavaigne smirked.

"Sorry we're late, may inasikaso pa kami ni Chelsea. Everyone, you can take your seats..."

Everybody settled down after a few minutes.

No wonder the old hag is respected. Her air screams so much authority and power even with her angelic face.

Ipinagpatuloy ang meeting pero ang isip ko ay lumilipad patungo sa kung saan.

Ilang ulit kong nahuli ang pasimpleng ni Chelsea kay Kleindro. Malayo sila sa amin pero ang distansya ay hindi naging sagabal.

Hindi ko maiwasang humanga dahil sa maikling sandali ay nahanap niya ng butas ang presentation. Palaging nakasegunda ang ina ni Kleindro sa mga tanong niya kaya naman ipinasyang mag meet na lamang ulit para sa pinal na pasya.

Six Months Agreement with Mr. Arrogant (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon