CHAPTER 9

507K 20.2K 23.4K
                                    


Trigger Warning: This chapter contains graphic depictions of suicide.

***

DAY OFF ko ngayon kaya bumaba ako ng bundok para makipagkita sa matalik kong kaibigan na si Twyla. Isang buwan na rin akong nagtratrabaho at nakatira sa Villa Vouganville. Ito ang unang beses kong makakaluwas pabalik sa Maynila, kaya napakarami kong baong kuwento.

Hindi ko maaaring ibahagi ang mga hinawakan naming kaso, kaya ibang mga kuwento ang sinalaysay ko sa'king kaibigan.

"Ano?! First day mo pa lang, naglaplapan na agad kayo ng boss mo?" hindi makapaniwalang hiyaw ni Twyla.

"Shh!" Tinapat ko ang daliri ko sa'king bibig para pagsabihan siyang hinaan ang kaniyang boses. Narito kasi kami sa isang kainan kaya maraming mga tao.

"H-Hindi lang kiss, ano rin..." Lumapit ako para ibulong sa tainga niya ang iba pang mga nangyari.

"What?! Nalakbay na ng kamay niya ang dalawang bundok mo, pati ang patiwarik mong bulkan?" walang prenong wika ni Twyla.

"NO! He never touched any private part. Just... some parts close to them." Bumuntong-hininga ako nang marahas bago sumipsip sa inumin kong Hibiscus Tea. "Hindi ko nga maintindihan, eh. Kahit may mga namagitang senswal sa aming dalawa, kinabukasan ay tila walang nangyari. Para bang wala lang sa kaniya ang mga iyon."

Agad na kinuha ni Twyla ang kamay ko at seryoso akong pinagsabihan. "Fifteen Salustiana, imposibleng wala lang iyon sa kaniya. For sure, may gusto sa'yo ang propesor!"

Bahagyang namula ang mga pisngi ko dahil sa sinabi ng aking kaibigan. Umiling ako nang mabilis para itama ang iniisip niya. "H-Hindi kasi gano'n si XV, eh. He's not like other guys who just think with their dicks. XV studies everything around him."

Kumunot ang noo ni Twyla na tila ba nahihiwagaan sa propesor.

"Inaasar-asar niya lang ako para pagmasdan ang magiging reaksyon ko. Tinutukso niya ang katawan ko para pag-aralan ito..." I gulped at the end of my sentence. That's right, the professor is just experimenting with my feelings and my body. Nothing more.

Sabay kong sinampal ang magkabilang pisngi ko para matauhan. "T-Tara na, Twyla! Magsisimula na ang event ni Miss Eliotte, baka mahuli tayo!"

Hinatak ko ang kamay ng naguguluhan kong kaibigan bago pa man siya maka-react.

Katabi lang ng kinakainan naming restaurant ang book-signing event ng isang kilalang makata na si Binibining Eliotte.

Isa ako sa mga tagahanga ng kaniyang mga akdang tula. Sinamahan lang ako ni Twyla kahit hindi siya mahilig magbasa dahil alam niya kung gaano ako kasabik para sa araw na ito.

"Miss Eliotte, maraming salamat po sa mga tula niyo," bigkas ko nang katapat ko na ang aking hinahangaang manunulat. "Sila po ang nagpapangiti sa'kin gabi-gabi."

"Gano'n ba? Ikinagagalak kong malaman na may ngiting naibabahagi ang mga sulat ko." Ngumiti rin siya nang malambing pabalik. "Salamat sa'yong pagsuporta."

Kilig na kilig pa rin ako kahit nakabalik na 'ko sa puwesto naming medyo malayo sa entablado. Inip na inip na si Twyla at napapahikab sa kahihintay. Nagpaalam siya na magbabanyo lang saglit kaya naiwan muna akong mag-isa.

"What a beautiful woman," sambit ng lalaking katabi ko habang nakatingin sa entablado kung saan pumipirma ng mga libro si Miss Eliotte.

Napatingin ako sa kaniya. May hitsura ito at mukhang mayaman dahil sa kaniyang pananamit. Napangiti ako dahil sang-ayon ako sa kaniyang sinabi. "Yup, Miss Eliotte is a beautiful woman, just like her poetry," tugon ko.

Knock, Knock, ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon