22

116K 3K 721
                                    

Maraming humihiling na papayatin ko daw at pagandahin si Emery but sad to say hindi siya part ng plano ko. Gusto ko kasing patunayan na kahit mataba ka at hindi kagandahan ay may magmamahal pa rin at tatanggap sayo. Love is not about appearance it's all about feelings.

Sorry to disappoint you guys.



EMERY


     "GOOD MORNING!" Malakas kong nahampas si Ezar ng bigla na lang siyang sumulpot sa harap ko.

"Ano ba!? Bakit ka nanggugulat!?" Sinamaan ko siya ng tingin.

"Oh, sorry." Tumaas ang sulok ng labi nito. "Breakfast is ready."

Nilagpasan ko lang siya at nagtungo sa kusina, nakaupo doon si Zaem at Quen na maganang kumakain ng pancake. Infairness hindi sunog.

"Ito lang ang kayang lutuin ni Kuya Ezar ng hindi nasusunog." Nakangising sabi ni Quen.

"Then don't eat!" Masungit na sabi ni Ezar na nasa likuran ko

Hindi kona lang sila pinansin, umupo ako sa tabi ni Zaem at kumain.

"I prepared Milk for you." Naglapag ng gatas si Ezar sa lamesa bago umupo sa tabi ko. "Mangangalakal pa ako, Zaem will come with me."


Hindi ko siya pinansin. "Zaem, pagkatapos mo dito, lilinisan natin sugat mo ah?"

"I already clean his wound." Sabad ni Ezar

"Nalinis na po ni Papa." Inangat nito ang sandong suot niya, malinis na ang benda doon. "Mama, kain kana po masarap luto ni Papa ko."

Napanguso na lang ako, pakiramdam ko paborito na ni Zaem si Ezar.

"Mama ko, kanina bumili ako kila Aling Bebang kasama si Papa." Kwento nito. "Ang landi po ni Aling Bebang, nilalandi niya si Papa, pati yung mga chismosa. Ang papangit nila Mama."


Dinig ko ang pagtawa ni Quen

"Ikaw na bata ka, masamang nanlalait ng kapwa." Sita ko dito


"Mama, dini-describe ko lang po sila." Katwiran nito

"Ikaw talaga, palagi kang may sagot sakin sana naman sa pasukan ganyan ka din sa teacher mo." Pinisil ko ang matangos niyang ilong. "Oo nga pala, anong gusto mong bag?"

"Ben 10 po, tapos gusto ko yung may gulong." Nakangiting sagot nito.

"Sige pag iipu–"


"–Pwedeng ako na lang?" Singit ni Ezar kaya napatingin kami sa kanya. "Promise, I will work hard for his bag."


"Okay." Tanging sagot ko, kita ko ang pagngiti nito. "Maliligo na ako, dahil may pasok pa si Mama."

Mafia Obsession: Ezar Carter [SELF PUBLISHED UNDER PAPERINK)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon