Chapter 9>The deal

1K 100 14
                                    

(A/N):Sorry for the late update,kasi tulad nyo wattpader den ako may binabasa den ,charot!

Happy Reading!



Lynn's POV




Naging tahimik kami ni Sir habang papuntang cafetería,hindi ako sanay kaya ako na ang bumasag sa katahimikan...



"Ahhm Sir pwede po bang magtanong?"



"Sure iha what is it?"



"Bakit po sa dinami-daming section sa University ay Section Ruby ang napili nyong maging advisory?Eh ang bastos nga nila sa inyo?"



"Hahaha kung hindi ako sino?Ayaw ng halos lahat ng teachers dito ayaw sa kanila kasi pasaway...At kung bastos man ay dahil yan sa nang-yari sa kanila..."



May nangyari sa kanila?!



"Ano po bang nangyari sa kanila?"tanong ko



"Nahh you should know it yourself..."Napanguso naman ako sa sagot nya...



Mukhang hindi lang misteryo ng pamilya ko ang aalamin ko ahh...



"Pero Sir hindi po ba kayo napapagod?"tanong ko na lang



"Napapagod den naman,alam mo na matanda na ako pa-retire na ako ehh pero hindi paden sila nakaka-graduate,hindi paden kasi sila nakakamove-on sa nangyari . Last year ko na lang dito sa university na to kung mawawala ako sino ang magtatanggol sa kanila?Sino ang mag-aalaga?Sino...."Mahabang lantaya ng matanda na nauwi sa hikbi...



"Tinuring ko silang anak kahit na ganun sila,Sa eskwelahang ito ako ang magulang nila,ako yung nagtuturo,nagtatanggol,nagmamahal,at nagpapakain..."



Nagpapakain?!



"Bakit po kayo ang nagpapakain?Wala po ba silang baong pera?"tanong ko out of curiosity



"Ano ang silbi ng baon nila kung pinagbabawal silang kumain sa cafeteria?"nangunot naman ang noo ko...



"Yes,you heard it right iha,bawal sila doon sa paniniwala nilang maghahasik lang ng gulo doon ang Section nila"paliwanag nya



"Bakit naghasik na ba sila ng lagim doon?"tanong ko at umiling naman sya...



"Hindi pa,masyado kasing advance ang utak ng mga tao rito kapag sasabihing Section Ruby meaning nyan para sa kanila 'Gulo' talaga"



"Grabe na man...Ang unfair naman ata nyan..."Opinyon ko



"Hindi naman talaga naging patas ang eskwelahang ito sa Section Ruby dahil sa nangyari noon kaya nga kung napapansin mo pati ang classroom na sanay malinis,maaliwalas ay pinag-kait sa kanila..."dagdag nya pa



"Ehh bakit po walang babae sa section nila kung hindi ako dumating?"



Nakaabot na kami sa kung saan nya hinabilin ang the lugaw kaya kinuha na namin ito at kinarga...



"Section Ruby is the most hated section,walang babae doon kasi alam nilang pagnapabilang sila they will be hated by the people too..."



"Ang duduwag naman nila!"



"Yes they are,but now that you're part of the section and you're the only girl...You should get your self ready Ling-Ling..."babala ni Sir



Aba si Sir nakiki-Ling-ling na den!



"Nahh,wag lang silang magkamaling awayin ako kundi makikita talaga nila kung paano magalit ang isang magandang Davaoeña!"proud na sabi ko at tumawa naman si Sir...


The Province Girl In Section RubyWhere stories live. Discover now