24

103K 2.7K 152
                                    


EMERY


    "MAMA, HINDI talaga masakit ah?" Nakangusong sabi ni Zaem habang nanggigilid ang luha. "Takot po ako."

"Huwag kang matakot, nandito lang si Mama para sayo." Malambing kong sabi

"Me too." Singit ni Ezar at binuhat si Zaem. "Don't be scared my little man."

"Okay po."

Pumasok na kami sa isang room. Pinili ni Ezar na ipatanggal ang tahi ni Zaem sa kapatid niyang Doctor. No choice ako kaya pumayag na lang ako, tutal siya rin naman ang magbabayad.

"Is that him?" Sumalubong samin ang isang magandang babae na nakangiti. "He looks like you Kuya Ezar."

"Ofcourse." Mayabang na ngumisi si Ezar kaya pasimple akong umirap.

"Ihiga nyo na siya doon." Tinuro nito ang isang hospital bed. "I'll just get ready my things."

Lumapit naman kami doon, hiniga ni Ezar si Zaem at tinaas ang suot nitong t-shirt.

"Mama." Kumapit sa kamay ko si Zaem.

"Wag kang matakot Anak, nandito lang si Mama." Tumingin ako kay Ezar.. "At si Papa."

"Okay.." Umupo si Doktora sa kabilang side ni Zaem at tinanggal ang benda nito. "Don't worry baby, hindi ito masakit."

Tumango lang si Zaem pero halata pa din ang takot, dahan dahang tinanggal ni Doktora ang tahi, napapadiin ang hawak sakin ni Zaem pero hindi naman siya umiyak.

"Wow very good ang baby hindi umiyak." Nakangiting sabi ni Doktora at binaba ang damit ni Zaem. "Okay na, ang tapang tapang mo."

"Syempre po." Umupo si Zaem sa Hospital bed. "Thank you po magandang Doctor."

"Just call me Tita Xyrelle, kapatid ako ni Papa mo." Pinanggigilan nito ang ilong ni Zaem. "Ang gwapo mo, kamuka mo si Papa mo."

Humagikhik lang si Zaem.

Tumingin sakin ang kapatid ni Ezar at ngumiti. "Nice to meet you Emery, finally na-meet na din kita. Ang tagal ko ng kinukulit si Kuya Ezar–"

"–Xyrelle." Pagputol ni Ezar sa sasabihin nito. "Ang daldal mo."

"Sus." Nginisihan siya ni Xyrelle at siniko. "Magkaibigan nga kayo ni Rohan."

"Ah, Doktora may sugat din po siya sa palad at talampakan, pwede nyo rin po ba siyang gamutin?" Nahihiya akong ngumiti sa kanya.

"Okay, upo na Kuya."

Binuhat ko si Zaem paalis ng Hospital bed, si Ezar naman ay umupo doon at sinimulan ng gamutin ni Xyrelle.

"Ano bang ginagawa mo Kuya at puro ka ganyan?" Tanong ni Xyrelle dito. "Ang alam ko malinis kang tao."

"Nangangalakal po kami ni Papa ko." Si Zaem ang sumagot. "Bibilad din po siya ng palay, basta po marami work Papa ko."

Natawa naman si Doktora kaya sinamaan siya ng tingin ni Ezar.

"Seriously Kuya Ezar? Ano ng nangyari sayo?"

"Bumabawi si Papa ko po samin." Sagot muli ni Zaem. "Kailan po maghirap din siya gaya namin–gaya ni Mama ko."

Napatango naman si Doktora. "Pahirapan mo pa lalo 'yang Papa mo ah?"

"Ayoko na po, magkakasugat na naman Papa ko tapos po sasakit katawan niya ulit." Ngumuso si Zaem. "Nasasaktan din po ako kapag nakikita kong ganon Papa ko po."

Ngumiti sakin si Doktora. "Masaya ako na napalaki mo siya ng maayos. I'm so proud of you Emery."

"Thank you."

Mafia Obsession: Ezar Carter [SELF PUBLISHED UNDER PAPERINK)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon