Chapter 69

815 49 6
                                    


Sogo

Arabella's Pov

Hingal at pagod na pagod kami pero hindi ko pinahalata na nahihirapan din ako huminga kasi ataw ko na mag-aalala pa sila. Sabihin natin na kaibigan o kaklase ko sila ngunit hindi madaling magsabi sakanila, dahil ito mo pa alam ang mangyayari mas maganda kung itago ko muna ito at sasabihin din sa susunod.

Nilinis na namin ang buong campus tanghali at mamayang gabi. Tanghali ngayon. Dahil kaninang naglilinis kami may nakaaway pa sila Roger dahil 'yong mga ibang lalaki, pinagtatawanan ba naman kami at pinag titripan pa ako kung alam lang nila na isang hampas ko lang sakanila hospital na abot nila.

Hindi ko talaga alam ano problema ng Dean na 'yon sa amin kung idispatch ko kaya siya? Sabagay, basura siya trashcan lang ako.

Napapakinabangan ng mga plastic na basura ang ugali.

Hehehe hindi ko sinasabi na si Dean ito. Paano ba naman kasi ang plastic niya sa amin akala mo maganda. Maganda siya? Luh, saan banda? Sa mukha? How about the behavior? Basura? Iws.

Kasi ganito. Habang naglalakad ako kasi naglilinis kami ng campus then nakita ko si Dean at 'yong lalaki ulit. Alam mo ba ano sabi niya sa akin?

“Arabella, bakit hindi kapa umuuwi? Baka mamaya mapano ka.” Like ano ba? Ang plastic mo! Wala ka ngang pakialam sa amin tapos, may pakialam ka sa akin? Lol! Tapos itong lalaki ang sabi. “Are you arabella? Nice power.” Nakangiti niya pang sabi! Alam ninyo? Pogi naman ang kaso nag papaplastic sa Dean blah blah blah!

Pati anong Power?! Mukha ba akong galing sa fantasy at may kapangyarihan ako? Kung oo! Edi sana kanina ko pa tinarget 'tong Dean na 'to kahit kailan plastic! Nakaaway ko na ito si Dean pero hindi nananalo sa akin malakas back-up ko heheh pero mas malakas back-up ko sa akin sakit.

Kasalukuyan na nasa classroom na kami at pagod na pagod. Uminom ako ng tubig at nag text pa si tita na umuwi muna ako dahil may ibibigay siya sa akin. Nakaramdam naman ako ng gutom kaya tumayo ako at humarap sakanila na pagod, biglang pumasok si Ruru at pinandilatan ako ng mata bago umupo sa upuan.

Tusukin ko mata mo ih.

“Kain tayo.” Yaya ni Jp.

Kain kang walang tayo.

“Gutom kana rin?” Tanong ni Roger.

“Magyaya ba ako kung hindi gutom?” Pilosopong tanong ni Jp kaya napaisip naman ako kung saan kakain at bigla nag pop sa utak ko.

“Sa Restaurant!” Nakangiti kong presinta kaya napatingin sila sa akim.

“Puwede ba lumabas?” Tanong ni Axel at tumango ako.

Malakas ako sa Dean ako pa.

“May alam ka kung saan?” Nakangiting tanong ni Jp at tumango.

“Saan?” Tanong nila.

“Sa Sogo!” Nakangiting kong sabi at bigla na lang sila parang natulala at may iba pang napapaubo.

Ano mali? Restaurant kaya 'yon.

“T-te! Anong sogo?!” Hindi makapaniwalang tanong ni Phoenix ngumiti naman ako nang malaki sakaniya.

“Sogo! Restaurant! Alam niyo ba? Sabi ko sa tita ko nong dumaan kami noon sa city nakita ko ‘yong sogo aywan ko kung ano ‘yon pero sabi ko kay Tita na balang araw makakakain din ako sa sogo.” Mayabang kong kuwento sakanila may iba na napaubo kagaya nila Xander tapos may natatawa pa tapos may namumula katulad nila Ruru dahil nakita ko siya sa tabi ko.

Nilalagnat parin ba? Akala ko magaling na ito?

“BWUAHAHAHAHAH LT!” Natatawang sigaw ni Roger na ikinataka ko.

S1: The Fighter Girl In Section GL  (COMPLETED; Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon